Xian Gaza, sinabing maaring “marketing strategy” lang ang pag iyak ng magpaparol upang mabenta ang 700 na parol

Matapos mag-viral online ang mangiyak-ngiyak na gumagawa ng parol na si tatay Maximino dahil sa hindi tinuloy ng buyer ang order nito ay agad namang bumuhos ang tulong sa kaniya.

Kamakailan lang ay trending si tatay Maxi dahil ang 700 na parol na kanilang ginawa ay hindi kinuha ng buyer.

Ayon kay tatay, hindi niya mapigilang hindi maiyak dahil nag-abono pa siya ng P100,000 para sa paggawa ng parol. Nababahala siya kung paano maibabalik ang pera yun.

“Hindi ko mapigilang umiyak.Nalaman ko na lang na ayaw nilang kunin ‘yung mga 700 parol kaya ko na-post ‘yun.Paano ‘yung pagod namin? Magtatrabaho kami ng alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng madaling araw.”

Maraming netizens ang bumili sa parol na gawa ni tatay Maxi. Pati na rin si Mayor Isko Moreno ay binili lahat ng parol na naiwan.

Kaya laking tuwa at pasasalamat ni tatay dahil sa wakas naubos rin ang mga parol na pinaghirapan nila.

Kwento pa niya, nabahala rin siya dahil magpapasko na at pahirapan umano makabenta ngayon dahil sa Covid-19.

“Kagabi, halos magdamag akong umiiyak. Sabi ko, ‘Titigil din ‘yan kapag naubos na ang luha ko.’ Sabi nga ng asawa ko, ‘Lakasan mo ang loob mo. Pera lang ‘to. Makakabawi ka rin. ‘Wag ka lang mawalan ng pag-asa.’Ngayon pa naman na pandemic, mahina ang bentahan ng parol. Swertihan kung kanino matatapat ‘yung order ng tao. Paano na ang pang-Noche Buena namin?”

Gayunpaman, iba naman ang pananaw rito ni Xian Gaza na nakilala matapos manligaw sa isang artista gamit ang billboard.

Ayon sa post ni Xian, sinabi niyang maaaring “marketing strategy” lang umano ito ni tatay Maxi upang bumenta ang kaniyang parol.

Tila pabiro itong komento ni Xian dahil gumana umano ang kaniyang “scammer mind”.

“Marketing strategy lang talaga ni Manong yun para maubos agad yung ginawa nilang parol. chaaarooooot! Gumana lang yung scammer mind ko sorry. charot lungs! Kayo naman oh, masyadong seryozow iihh!”

“Bilang “National Scammer ng Pilipinas”, naniniwala ako na walang t*ngang negosyante ang gagawa ng 100K worth of parol na walang downpayment. So dalawang bagay lang ito mga kapatid, either t*nga si Manong or marketing style lang niya yun,” dagdag pa niya.

Loading...