Xander Ford, nagladlad na: ‘I am part of LGBTQ Community’

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagladlad ni Xander Ford sa kanyang tunay na kasarian.

Nitong Biyernes, inihayag na ni Marlou Arizala o mas kilala ngayon bilang Xander Ford na isa siyang bahagi ng LGBTQIA community.

Inamin ni Xander Ford sa kaniyang Instagram account ang tunay na kasarian.

“I am part of LGBTQ Community #bisexual,” pag-amin niya.

Photo credit: Xander Ford/ Instagram
Photo credit: Xander Ford/ Instagram

Bukod pa rito ay may post rin siyang nagsasabing, “Being one of them is not a crime. #Bahaghari”.

Noong nakaraang Linggo lang ay naging laman rin ng chismis si Xander maapos itong ireklamo ng kaniyang ex-girlfriend. Kung saan ay dumulog pa ito sa programang Raffy Tulfo in Action.

Inireklamo si Ford dahil sa umano’y pananakit nito sa kaniyang ex-gf.

Loading...