Working student, hinangaan online matapos makabili ng bahay at lupa

Sinong mag-aakala na ang 19 anyos na dalagang estudyante ay nakabili na ng kanyang bahay at lupa. Napa-sana all na lamang ang mga netizen ng makita nila ang napundar na bahay ng isang estudante.

Kinabiliban ngayon sa social media ang dalagang working student na si Patricia Mae Tandas , 19 anyos at nag-aaral sa kursong BS Psych0logy.

Kakaibang diskarte ang ginawa ng dalaga dahil sa kanyang batang edad ay nakabili na siya ng kanyang sariling bahay. Sa kanyang sipag at tiyaga ay maaga niyang nakamit ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.

Credit: Patricia Mae Tandas / Facebook

Ayon sa ulat, estudyante siya sa umaga, call center agent sa gabi at tindera umano in between.

Saad ni Tandas, pangarap niyang matulungan ang kanyang pamilya at mabili ang lahat ng gustuhin niya. Ngunit noong lumaon umano ay nasasayangan siya sa perang kanyang nilulustay sa luho.

Credit: Patricia Mae Tandas / Facebook

Kaya nang tumagal ay naisipang niyang iponin ang pera at ilaan ito sa mas mahalagang bagay. Naging masinop si Patricia sa kanyang pera at sinabi niya sa kanyang nanay na gagamitin niya ang pera sa pangmatagalang bagay.

Hindi umano inakala ng kanyang nanay na bahay pala ang ibig sabihin ni Patricia. Kwento ng dalaga, naisip niyang mag-invest ng bahay dahil alam umano siya na habang tumatagal ay tumaas ang value nito.

Kaya naman napahanga ang mga netizen sa diskarte at sipag ng dalaga. May disiplina rin sa sarili ang dalaga kaya naman madali siyang nakaipon ng pera.

Samanatala, makikita naman sa mga larawan ang bahay na nabili ng dalaga.

Credit: Patricia Mae Tandas / Facebook
Loading...