WATCH: Namulubing Hapon na pinagpalit ni misis sa iba, binisita si Tulfo matapos siyang tulungan

Abot-tenga ang ngisi nina Sir Raffy Tulfo at hapong si Hiroyuki Saito sa muli nilang pagkikita matapos itong matulungan ni Tulfo dahil sa pang-iiwan ng asawa nito upang sumama sa ibang lalaki.

Dahil umano sa hirap ng buhay kaya iniwan ni misis ang hapon at naghanap ng iba.

Nagkaharap ang mag-asawa sa tulong ni Sir Raffy. Bagama’t naayos na nila ang kanilang alitan ay hindinaman nagkaroon pa ng second chance upang sila ay magkabalikan.

Sa muling pagkikita ni Sir Raffy at Hiroyuki ay naikwento nito na maganda na ang kalagayan nila kamasa ng kanyang mga anak.

Ayon kay Hiroyuki na napagkasundoan nilang mag-asawa na ang hatiin ang kanilang anak. Nais rin naman ng panganay na pumunta sa nanay at ipinagbahala na rin ng mister ang bunso nilang anak.

Masaya si Tulfo na nakikinig at malamang maayos na ang kalagayan ng mag-aama. Lalo pa at may magandang trabaho na ito ngayon at kumikita pa umano ng P90 thousand taga buwan.

Dalawa sa mga anak nila ay nasa pangangalaga ni Hiroyuki. Nangako uli si Sir Tulfo ng panibagong tulong sa hapon ngunit iyon ay para lamang sa pangangailangan ng kanyang mga anak.

Nais ni Tulfo na magkakasama sila at doon lamang manirahan malapit sa kanyang pinapasukan. Nabalitaan niya rin umano na mahal ang bahay na inuupahan nilang mag-ama.

Narito ang pagkikitang muli ng dalawa. Panoorin:

Samantala, balikan natin ang kwento kung saan nagharap sina Hiroyuki Saito at misis nito.

Loading...