WATCH: Doktor na nag-autopsy sa pinatay na grade 9, ibinunyag na maraming internal organs ang nawawala

53708

Ibinulgar ng doktor na nag-examine sa labi ng grade 9 student na pinatay sa Lapu-Lapu City, Cebu na pati pala ang dila, trachea at esophagus ng bata ay tinanggal.

Hindi rin nakapaniwala ang doktor na nag-autopsy dahil ngayon lang umano siya nakaranas ng kasong ganito ka brutal.

Ngunit wala pang konkretong pruweba na magpapatunay kung ginawa ba ito ng salarin.

Iniisip din nila ang ibang posibilidad na maaaring mga hayop tulad ng aso o kaya’y malaking daga ang may gawa nito.

Sa ganoonpaman, isang karumal-dumal pa rin ang ginawa sa dalagita dahil hindi lang panggagahasa ang ginawa, kundi binalatan pa ang mukha ni Christine Silawan.

Sa panayam kay chief medico-legal officer of the PNP Crime Laboratory 7, Dr. Benjamin Lara, ipinaliwag ng doktor na maraming internal organs ng biktima ang nawawala.

“We noted na wala na yung trachea – yung daanan ng hangin, yung esophagus wala na – pag kumakain tayo dun dumadaan yung food papunta sa stomach, and yung entire musculature ng neck sa right side wala na… Including the tongue, wala na rin,” saad ni Lara.

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang mga suspek sa krimen.

Ayon naman sa PNP, mayroon na silang tatlong suspek na pagkakakilanlan ngunit hindi pa maaaring ilabas.

Samantala, nagbigay na rin ng pabuyang 1 milyon si Lapu-Lapu City Mayor Paz Radaza sa kung sino man ang makakapagturo o makakapagbigay impormasyon sa mga suspek.

Panoorin ang panayam kay Dr. Lara:

Facebook Comments