WATCH: Batang nawala ng isang taon, naibalik na sa magulang

Abot langit ang kaligayahan ng mga magulang ng batang nawala ng mahigit na taon matapos itong maibalik nas akanila.

Nitong Linggo, maitampok sa Kapuso mo Jessica Soho ang batang nawala na hinala ng mga magulang ay nadukot.

Laki ng pasasalamat ng magulang ni Jimuel sa KMJS dahil matulungan silang makita ang anak na matagal na nilang hinahanap.

Dahil sa hirap ng buhay, hindi umano naging madali sa kanila ang paghahanap sa anak.

Pero kahit nahihirapan ay patuloy pa rin umano ang mag-asawa sa paghahanap sa anak.

Ayon sa mag-asawa, hindi sila tumigil sa kakahanap at natutulog nalang sila kung saang lugar sila datnan para magpahinga.

Sa tulong ng KMJS, nabuhay ulit ang pag-asang buhay pa si Jimuel. Maymga impormasyong natanggap ang programa tungkol sa kinalalagyan ng bata.

May nagmensahe sa kanila at nagpadala pa ng larawan upang matukoy nila kung ito ba talaga ang bata.

Pagkakita palang nila ng larawan ay may kutob na sila na ito ang bata dahil na rin sa pagkakahawig ng batang nasa larawan at ni Jimuel.

Agad na pinuntahan ni Jessica Soho ang bata upang personal na makausap.

Ang bata ay nasa pangangalaga ng Center for the Welfare and Protection of Children sa San Pablo sa Laguna.

Ayon sa welfare ay dinala ang bata sa kanila dahil natagpuan umano ito sa kalsada na hubo’t hubad at palaboy laboy.

Isinalaysay rin ni Jimuel ang nangyari sa kanya at labis rin siyang nangungulila sa magulang.

Kaya naman noong pinagtagpo na ang magpamilya at buhumos ang luha nilang lahat.

Punong-puno ng iyakan at tuwa ang naramdaman ng lhat. Kahit mga netizens ay apektado sa tagpong iyon.

Ang araw na pinakaasam-asam na pagtagpuin ang pamilya ay dumating rin.

Panoorin ang buong kwento:

Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens:

Loading...