Waitress ng sikat na pizza parlor, binigyan ng isang buong pizza ang lalaking nanghingi ng tira-tirang pagkain

Viral ngayon ang isang waitress sa isang sikat na pizza parlor kung saan binigyan niya ng isang kahon ng pizza ang matandang lalaki na nanghihingi ng pagkain.

Nakuhanan ng isang netizen ang tagpo na pumukaw sa atensyon ng mga netizen. Hinangan nila ang pagmamagandang loob ng waitress sa kabila ng katayuan ng lalaki.

Ang larawan ay kuha ni Lia Del Castillo. Ayon kay Lia, ang mas ikinamangha niya ay ang pagtrato ng waitress sa lalaki na parang regular rin na customer.

Kahit umano sila ng kanyang asawa at ang mga taong kumakain doon ay nagbigay rin ng pera para sa lalaki.

Photo courtesy: Lia Del Castillo / Facebook
Photo courtesy: Lia Del Castillo / Facebook

Kwento ni Lia na dating TV reporter, kasama niya ang kanyang asawa na kumakain sa Yellow Cab Pizza sa may SM The Block nang dumating ang lalaki at nanghihingi ng tira-tirang pagkain.

Sa isang lamesa na may laman pa ang pitsel ay ininum ito gamit ang isang gamit na din na nabaso.

Aniya, hindi umano nila ito inintindi noong una.Kaya nagulat sila ng papaalis na ang lalaki at tinawag itong bigla ng waitress.

Pinapahintay nito ang matanda at pagbalik ay may dala-dala ng isang kahon ng pizzana kanilang ikinatuwa at ikinamangha.

Photo courtesy: Lia Del Castillo / Facebook

Halos maiyak umano ang lalaki ng tanggapin ang pizza na ibinigay.

“Sandali lang po sir bibigyan ko po kayo ng pagkain,” kwento ni Castill.

“To my surprise, the waitress handed him a whole box of pizza. To his delight, the old man almost wanted to cry,” dagdag pa niya.

Kinain umano nito agad ang pizza at ang sobra ay itinago nito sa bag na dala.

Bago umalis ang lalaki ay hinintay daw nitong dumaan ang waitress at nagpasalamat.

Photo courtesy: Lia Del Castillo / Facebook

“He ate and kept the leftover in his bag and waited for the waitress to pass by him. When she did, the old man said ‘salamat’ then left,” saad niya.

Pinuri ni Lia ang waitress sa pagiging mabait at makatao nito. Aniya, “Sir” pa rin ang tawag ng babae na parang regular customer lang na bumili.

“Kindness never gets old. It’s amazing that there are still good-hearted people around, who are selfless enough to share whatever they have with others.”

Basahin ang kanyang buong post:

Tonight while having dinner at Yellow Cab, inside SM The Block, I saw this old guy looking for leftover food on the table in front of us. Seeing nothing, he poured what was left of the pitcher and drank from the used cup. We just ordered food and only had 4 small chicken wings on the table.

As he was about to leave, this waitress saw him and stopped him to ask.

“Sir ano po yun?,” the old man replied but I wasn’t able to make of what he said. But the waitress replied, “Sandali lang po sir bibigyan ko po kayo ng pagkain,” and she asked him to sit down.

Then she went out to give him a plate, utensils and a glass of softdrink. Curious, I waited for what would happen next.

To my surprise, the waitress handed him a whole box of pizza. To his delight, the old man almost wanted to cry. He ate and kept the leftover in his bag and waited for the waitress to pass by him. When she did, the old man said Salamat then left.

Another group of men who saw this also handed him money, including my husband.

I don’t know, I’ve done stories like these when I was a reporter and it never gets old. The kindness of people, the generosity and selflessness of others still amazes me. I told my husband, the waitress could have shooed the old guy away but she didn’t. She didn’t give him a set meal (which was what I expected), and instead gave him her free box of pizza. One whole box.

She treated him like a regular, paying customer, even calling him “Sir.”

That to me is amazing. And really commendable.

What a way to start the year. ❤

Loading...