VIRAL: Pulubing mag-ama na nanlilimos, nilibre ng babae ng Jollibee

Hinangaan ang isang babae matapos niyang magpakita ng kabutihan sa pamamagitan ng panlilibre sa mag-amang pulubi na nasa labas ng Jollibee.

Viral ang larawan at video ng isang babae sa social media kung saan pinakain niya ang tatay at anak nito.

Sa pamamagitan ng post ni netizen Alexiefe Sulit Cataquiz, maraming napahanga sa kagandahang-loob ng babae. Dahil hindi umano siya nag-atubili na tumulong at pakainin ang mag-ama.

Saad naman ni Cataquiz, “Shoutout po kay ate.. napakabuti po ng puso nyo..talagang binigyan nyo pa ng sariling order ang mag.ama na nakita nyong namamalimos sa may harap ng #jollibee.

Image may contain: 1 person, sitting
Photo from Alexiefe Sulit Cataquiz
Image may contain: 1 person, sitting, food and indoor

Photo from Alexiefe Sulit Cataquiz

Dagdag pa niya na hanga siya sa babae at sana’y marami pa umanong kagaya nito na handang tumulong sa iba.

“Pinapasok nyo at binigyan ng magandang hapunan. Sadyang marami pa din talaga ang mga taong kagaya nyo.. saludo ako sa ipinakita nyo.. ganito ang dapat nagviviral sa social media. Sila ang mga taong dapat tularan.yung mga taong hindi puro salita lamang.”

Sa video, makikitang inasikaso ng babae ang mag-ama at binilhan sila ng kanya- kanyang makakain.

Image may contain: 2 people, people standing

Photo from Alexiefe Sulit Cataquiz
Image may contain: 1 person, sitting

Photo from Alexiefe Sulit Cataquiz

Labis naman ang tuwa ng mga netizens dahil binuhay ulit ni ate ang ang pananampalataya sa sangkatauhan.

Hindi araw-araw nakakakita tayo o kahit sa social media ng mabubuting gaain. At gaya ng ginawa ng babae, tunay na kinahangan ito ng lahat.

Marahil maliit na bagay lang ito, ngunit malaking bagay na ito para sa kanyang tinulungan dahil nagkaroon sila ng pagkakataon makakain ng masarap na pagkain.

Image may contain: 2 people, people sitting and food

Photo from Alexiefe Sulit Cataquiz

Isang magandang ihemplo naman ang ipinamalas ng babae. Kung kaya umabot na sa 63 thousand ang nagbahagi ng naturang post.

Maraming netizens kasi ang na-inspired at saludo sa kabaitan niya. Sa likod kasi ng matapang na personalidad ni ate ay may isang pala busilak na kalooban.

Basahin ang ilang magagandang komento ng mga netizen:

Loading...