Viral: Pinay OFW binatikos ang Aim Global networking, umani ng samu’t saring reakyon mula sa netizens

Agaw-eksena ang isang Pinay OFW ngayon sa social media, matapos niyang punahin ang isang networking company sa bansa.

Galit na galit si Jocelyn Solitana na nagpahayag ng saloobin patungkol sa Aim Global Networking.

Pinaratangan ni Solitana na manloloko at scammer ang kumpanyang Aim Global dahil sa laki umano ng registration fee at magpapakahirap ka pa umanong maglako ng paninda nila.

Reklamo pa niya, samantalang ikaw na miyembro ay nagpapakahirap mag-recruit ng tao. Ang iyong upline lang naman ang nakikinabang sa iyong paghihirap.

Magpakita pa ng limpak limpak na pera si Solitana dahil mas nanaisin pa daw niyang ipunin na lang ito kaysa ibigay lang sa networking. Kung susumahin umano ay wala daw talagang kinikita ang sumasali doon.

“Naghirap kayo at nagkasakit kayo, tinulungan ba kayo ng Aim Global na ‘yan?”

May pinatatamaan ring miyembro ng nasabing kumpanya si Solitano.

Bwelta pa niya, kung totoong worldwide ang kumpanya ay dapat hindi iyong mga mahihirap ang kinukumbinsi daw nila dahil mas lalo umanong naghihirap nang dahil sa kanila ang mga kapwa Pilipino.

Business partner umano ang hanap ng Aim Global, kaya dapat ang kinukuha umano nila ay iyong mga mayayaman na negosyante.

“Hindi business ang pakay niyo sa mga OFW, kundi pang i-is-scam,” saad ni Solitana.

Kaya naman ang payo ni Solitana sa mga kapwa OFW ay mas maigi ibigay ang pera sa pamilya. Mas maigi na umano mapunta sa pamilya at malustay ang perang pinaghirapan kaysa naman sa mga taong hindi kaano-ano.

Dagdag pa niya, huwag basta basta magpapaloko sa sinuman lalo na sa mga networking na scammer.

Umabot na sa 56 thousand ang nagbahagi ng kanyang video at umabot na rin ng mahigit isang milyon ang views nito.

Samantala, narito ang ilan sa mga reaction ng mga netizens. May mga sumang-ayon at mayroon namang ipinagtanggol ang Aim Global.

Commented on Jocelyn Solitana’s public post
Commented on Jocelyn Solitana’s public post

Commented on Jocelyn Solitana’s public post
Loading...