Viral photo ng isang garbage collector na pagod sa trabaho, umantig sa mga netizen

Umabot na sa 24,000 shares ang viral photo ng isang basurero habang natutulog sa likod ng garbage truck.

Magkahalong awa at lungkot ang naramdaman ng mga netizen sa larawang kuha ni Mc Nhasty. Kung saan nakuhanan niya ang pagpapahingang garbage collector.

Makikita sa litrato na nakatulog ang basurero sa likod na bahagi ng garbage truck, marahil ay sa sobrang pagod sa trabaho nito.

Naglabas rin ng hinaing sa social media si Mc Nhasty dahil hindi umano pantay ang trato sa mga empleyadong nasa mababa na posisyon.

Nalungkot ang concerned citizen dahil minsan pinagkakaitan ng mas mababang sahod ang mga trabahanteng mas mahirap ang pa umano tungkulin.

Hiling niya, sana’y mabigyan pansin rin sila ng mga public officials.

“Di ko alam kung bakit ganon yung sistema e ?
kung sino pa yung mabibigat yung trabaho like garbage collector at iba pa ay sila pa yung mabababa ang sinisweldo at minsa’y lalamangan pa ng mga tituladong tao.

You know what im sayi’n cuz!
Most related .
Sana nman po mapansin tayo ng mga nakapwesto…
#buhaybasurero

Dagdag pa niya sa comment section, nararapat umano na patas ang sahod sa pampubliko man o kahit sa pribadong sektor.

“Government man o private kailangan patas ang sahod ng maralitang mangagawa at hindi yung lalamangan pa ng taong nakatataas sila ngang may pinag aralan pero hindi nila mapansin ang ganitong systema sa bayan,” saad ni Mc Nhasty.

Likas sa mga pinoy ang pagiging masipag, kaya naman hindi alintantana ang anumang pagod o hirap basta para sa pamilya.

Hindi maiwasan ng mga netizen ang malungkot sa realisasyon na marami sa ating mga kababayan ang nagpapakahirap kumayod kahit sa kakapiranggot na sweldo basta lang may pantustos sa pamilya.

Samantala, narito naman ang samu’t saring reaction ng mga netizen:

Saad ni Jennylyn Lenogon, “True but sad to say..di maibigay tlga ang nararapat pra sa inyo..lalo nat kalusugan nio din nman nakataya dyn sa pgtatrabaho nio.”

Saad naman ni Crispina Bejasa Lansangan, “Tama kz sa ibang bansa ang mga collector ng basura ang mas malaki at marning binipisyo ang nakukuha sa godyerno.”

Ayon naman kay Alex Nacario, “No offense meant. Pero hindi naman kasalanan ng gobyerno na hindi sila nagsikap sa pag aaral. May kakilala ako basurero sya nung bata pa kami, dun sa pangangalakal nya sinuportahan sarili nya. Ngayon, nakapagtapos na. Businessman na. Life is a choice. Kung hindi ka magsisikap para sa sarili mo, ganyan kahahantungan mo. Bago ka humingi ng tulong sa gobyerno, tulungan mo muna sarili mo. My opinion. Thanks.”

Dagdag pa ni Jayson Flores, “Capsa Kung sino pa yung nasa taas sila pa yung hindi sumusunod sa minimum wage.”

Loading...