Viral na “7-Evelyn” Sari-sari store, ipinatanggal ng 7-Eleven Manager

Pinag-usapan at kinaaliwan sa social media ang isang sari-sari store kung saan ginaya ang logo at disenyo ng sikat na 7-Eleven convenience store.

Nag-viral agad ang larawan at kumalat na nga online. Marahil ito ang dahilan na umabot ito sa pamunuan ng 7-Eleven store at agad namang pinuntahan ng manager.

Ayon sa post ni Calvin Pasaol Carlson, dumating ang isang manager ng 7-Eleven sa viral na tindahan, ang “7-Evelyn” store.

Pinapatanggal na umano nito ang nasabing disenyo at pinapapalitan ng ibang pangalan.

Sa viral photo, makikita nga naman ang pagkakahawig sa nasabing establishimento.

Photo courtesy: Calvin Pasaol Carlson/ Facebook

Bagama’t maraming natuwa, ngunit ipinagbabawal nga naman ang pangongopya ng disenyo at logo dahil malaking kompanya ito.

Photo courtesy: Calvin Pasaol Carlson/ Facebook

Samantala, good vibes lamang ang dala nito sa mga netizens. Napaka supportive naman ng marami dahil nagbigay pa sila ng suhesyon kung anong maaaring ipalit na pangalan sa tindahan matapos humingi ni Carlson samga ito.

“Gianhia-an jud mi sa manager sa 7-11. Ila jud ipatangtang. Salamat sa mga nag-share and comments. Nag- viral jud intawn.
Unsa kahay ipuli nato nga ngalan? Suggest na mo. Hehehehe”

Photo courtesy: Facebook

(Pinuntahan talaga kami ng manager ng 7-11 at pinapatanggal nila. Salamat sa mga nag-share and comments. Nag-viral talaga. Ano kayang pangalan ang ipapalit natin? Suggest na po kayo. Hehehehe)

Ayon naman sa may-ari ng tindahan, aware naman daw sila rito ngunit hindi lang nila aakalain na magba-viral ang larawan dahil katuwaaan lang daw iyon.

“Kabalo mn mi bahin ana pro wla mi gatoo na ma viral ky unsa rba twn ni mao baligya wla katuwaan lng mn to,” paliwanag ng may-ari.

Loading...