Viral isang matandang lalaki na namumulot ng basura, isang Kapitan pala

Maraming netizens ang namamangha sa ipinakitang tiyaga at kabutihang loob ng isang matandang lalaki matapos namumulot ito ng basura sa tirik na tirik na araw.

Sa unang tingin ay aakalain mong nangangalakal lang ng basura ang matanda bilang hanapbuhay.

Ngunit ang lalaking nasa larawan pala na namumulot ng basura ay isang kapitan pala sa Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental.

Ang lalaki ay si Kapitan Welfredo “Molong” Villacastin na masigasig na naglilinis ng kanilang barangay kahit siya lamang mag-isa.

Ayon sa nagbahagi ng post, sadyang kahanga-hanga umano si Villacastin dahil maaga pa umano itong gumigising upang maglibot sa barangay at mamulot ng basura.

Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
Image may contain: one or more people, shoes and outdoor

Pinuri rin ng Facebook uploader ang kapitan dahil maasahan umano ito sa lahat ng bgay.

“Siya lang naman ang brgy.captain na makikita mong kumikilos kahit malayo pa ang eleksyon,” saad ni Mamayads Bayot Papajay.

“Siya lang naman ang ordinaryong tao na dahilan kung bakit nag ka ilaw ang mga liblib na lugar ng bulanon,” dagdag pa niya.

Mas kabilib-bilib pa umano agn kapitan dahil mas inuuna pa nito ang pangangailangan ng kanilang lomunidad kaysa sarili.

Image may contain: one or more people, outdoor and nature

Basahin ang buong post:

Sa unang tingin akala mo taong palaboy
Namumulot ng mga bagaybagay na pweding mapag pakinabangan…
Pero mali kayo sa inyong akala…
Siya po si Welfredo “molong” Villacastin
ng brgy.Bulanon,Sagay City ,Negros Occidental.
Ano ang papel nya sa brgy?
Isa lang naman siyang Brgy.Captain.
Yes siya lang yung brgy captain na mas unang gumising para maglibot sa brgy.
Siya lang naman yung brgy.captain na nakikita kung nagbibitbit nang sako tuwing umaga para pulutin ang kalat sa brgy.
Siya lang naman yung brgy.captain na isang tawag lang andyan agad.
Siya lang naman ang brgy.captain na makikita mong kumikilos kahit malayo pa ang eleksyon.
Siya lang naman ang ordinaryong tao na dahilan kung bakit nag ka ilaw ang mga liblib na lugar ng bulanon.
At higit sa lahat siya lang naman yung brgy.captain na mas inu una ang iba kysa sa sarili nya.
Siya ang Brgy.Captain namin.
Siya ang brgy.Captain ko.
#EsharemoparatularanNgIba
#nakakaPROUD

Hindi naman lingid sa lahat na kakaunti na lamang ang ganitong pinuno na malasakit sa kanyang kinasasakupan.

Image may contain: one or more people, outdoor and nature

Kadalasan ay mas higit ang kapangyarihan at pera ang inuuna ng mga trapong politiko kaysa tumulong sa kanynang kababayan.

Image may contain: plant, outdoor and nature

Kaya naman saludo ang mga netizens kay Kapitan Villacastin bilang isang mabuti at may pusong leader. Kahit na siya ay isang kapitan na ay kumikilos pa rin siya na hindi umaasa lang sa iba.

Loading...