VIRAL: Ang Probinsyano partylist Rep. nanapak ng waiter sa Legazpi City

2069

Usap-usapan ngayon sa social media ang panununtok ni Ang Probinsyano partylist Rep. Alfred delos Santos sa isang waiter sa Legazpi City nitong Hulyo 7.

Nakuhanan sa CCTV ang akwal na panununtok ng kongresista sa waiter ng Biggs Diners sa Legazpi.

Nangayri umano ang insidente noong Linggo alas-3:40 ng madaling araw.

Ang waiter ay kinilalang si Christian Kent Alejo, 20 anyos. Kung saan ipina-blotter niya na sa Police Community Precinct 2 ng Legazpi City Police ang insidente sa kanya.

Ayon sa salaysay ni Alejo, kasama umano ni delos Santos sina Kim Castillo, Joseph Morassa at isa pang hindi nakilala.

Hindi niya alam ang rason kung bakit bigla siyang sinapak ng kongresista, ngunit nangangamoy alak umano ito.

Paliwanag ng waiter, inaayos lamang niya ang placemat sa lamesa ng kongresista at mga kasamahan. Ngunit bigla daw siyang sinabihan ni delos Santos na masama ang kanyang tingin.

Nang tawagin daw siya ulit ng kongresista ay doon na siya inambahan na susuntukin. Aniya, nakailag siya sa suntok at ang kanyang sombrero lang natamaan.

Saad niya, marami ng lumapit sa kanya upang areglohin ang isyu ngunit hindi umano niya tinanggap ito.

Hindi paman nagsisimula ang 18th Congress, ay nasangkot na sa isang kontrobersya ang kongresista.

Ayon kay Atty. Bart Rayco, maghahain sila ng kasong slight physical injuries sa korte at reklamo sa Ethics Com­mittee ng Kamara sa pagbubukas nito sa 22 Hulyo.

Facebook Comments