Video ng Lalaking kinuha ang mga helmet para hindi mabasa ng ulan, umantig sa mga netizen

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa isang lalaki kung saan makikita siyang kinukuha ang mga helmet na nakasabot da mga motor upang hindi ito mabasa ng malakas na ulan.

Sa video na ibinahagi ng Iloilo Metropolitan Times, nag-viral ito matapos mapanood ng mga netizen ang pagpapalita ng lalaki ng malasakit sa gamit ng ibang tao.

Makikita sa video na malakas ang buhos ng ulan, kaya naman isang lalaki ang dali-daling kinuha ang mga helmet na nakasabit sa mga motor.

Ang video ay kuha umani ni netizen MotoJune. Mas naantig ang mga netizen lalo pa ng ipaalala nito na dapat maging mapagpasalamat tayo at huwag maging reklamador.

Credits: Iloilo Metropolitan Times /Facebook

Marahil nais iparating ni MotoJune na pahalagahan at pasalamatan natin kung ano ang mayroon atin. Tama na ang pagrereklamo dahil mas mahalaga ang mga biyayang ating natatagnggap mula sa Diyos.

Bagamat mahirap ang buhay at maraming pagsubok ay dapat piliin pa rin natin ang maging mabuti.

Credits: Iloilo Metropolitan Times /Facebook

Sa kanyang caption,saad niya, “Be thankful and stop complaining.” Ang video ay may habang mahigit dalawang minuto. Naging eye opener ito sa mga netizen na maging mabuti parin tayo sa iba.

Lahat tayo ay may pinagdadaanan. Gaya ng lalaki, marahil parte iyon ng kanyang paghahanapbuhay ngunit inaalala niya rin ang mga may-ari na magsusuot ng helmet.

Credits: Iloilo Metropolitan Times /Facebook

Hindi lahat ay may malasakit sa kapwa. Kaya nakakabilib na makita na mayroon pang tao na kagaya ni tatay.

Umabot na sa mahigit 11,000 ang shares ng video at nasa 157,000 naman ang nag-react dito. Puro positibo naman ang komento ng mga netizen at naging inspirasyon siya hindi lang sa mga bata kundi sa lahat ng ating kababayan.

Panoorin ang buong video sa link na ito.

Loading...