‘Ulam for today’! Netizen, gumawa ng palabunutan para hindi na mahirapang mag-isip ng uulamin

Isa sa kalbaryo ng bawat Pilipino araw-araw ay ang ulam na lulutoin. Karamihan sa atin ay nahihirapang mag-isip ng putaheng lulutoin kaya naman kung minsan ay bumubili na lamang ng ulam sa labas.

Kung may pera mas madaling bumili na lamang ng pagkain sa labas, ngunit kapag gipit at nagtitipid ay dapat talagang magluto na lamang sa bahay.

Dahil inaabangan ng bawat pamilya ang mga pagkain na nasa hapagkainan, nagkakaroon muna ng diskusyon at suhewesyon ang isa’t isa upang mapaghahandaan ang iluluto.

Kaya naman malaking suliranin para sa tagapagluto kung hindi kaagad makapag-isip ng lulutoing pagkain.

Dahil nga rito, isang netizen nagbahagi ng ideya kung paano masosolusyonan ang problema ng mga Pilipino para mas mapadali ang mag-iisip ng uulamin.

Photo courtesy: Beng Onacle/Facebook

Gamit ang panulat, papel, at garapon ay ibinahagi ni netizen Beng Onacle ang kanyang paraan upang makatulong sa mga misis o sinumang miyembro na tagapagluto sa bahay ang kanyang ideya sa mabilis na pag-iisip ng putaheng uulamin.

Gumawa si Beng ng palabunutan kung saan isinulat niya sa maliit na papel ang mga klase-klaseng ulam.

Sa palabunutang papel ay may nakasulat na pininyahang manok, tortang talong, monggo, tinola, sinampalukang manok,pritong itlog, adobong baboy, ginisang petchay nilagang baka, sinigang na baboy, pritong isda at shanghai.

Photo courtesy: Beng Onacle/Facebook

At mayroon pa gaya ng menudo, chopsuey, pares, fried chicken, paksiw na isda, at ginataang gulay.

Photo courtesy: Beng Onacle/Facebook

Ayon kay Beng, sa paraang ito ay mas madali na siyang makakapag-decide ng uulamin nila.

“Tips para sa mga nahihirapan magisip nglulutuing ulam lalo na sa mga misis jan… unang bunot pritong itlog🤣🤣🤣”

Mas masarap nga naman ang mga lutong-bahay, kaya naman karamihan sa mga pinoy ay mas nais magluto kaysa bumili ng ulam.

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa ibinahagi ni Beng kaya naman umabot na sa 15,000 ang share ng kanyang post.

Photo courtesy: Beng Onacle/Facebook

Madaming netizen ang nagustuhan ang ideya ni Beng dahil malaking tulong nga naman ito upang mapadali kung anong lulutoin.

Marami ring nanay ang nais gayahin ang ideya na ito dahil na rin sa kanilang maseselang mga chikiting.

Loading...