Tusok-tusok Pantry, ibinida sa Marikina City

Mula nang magsimula ang Community Pantry sa Barangay Maginhawa ay marami ding gumaya at naglipanang ibat-ibang version ng community pantry.

Hindi lang mga ordinaryong Pilipino ang na-inspired na gumawa ng Communty Pantry pati na rin ang mga celebrity gaya nina Angel Locsin, Daniel Padilla at iba pa.

Ngunit kakaibang Community Pantry ang ibinida sa Barangay Concepcion Uno sa Marikina at tinawag nila itong “tusok-tusok” dahil literal nilang tutusukin ang ang mga street foods na ipinamigay doon.

Photo courtesy from Sagun John Rufinel
Photo courtesy from Sagun John Rufinel

Ayon sa nagpost na si Sagun John Rufinel, dahil sa naubos na ang mga essential goods sa kanilang community pantry ay naisipan nila na street foods na lang ang ipamahagi.

Kaya ipinakyaw ng Group Ambangan PH ang paninda ng isang street vendor na nakaparada malapit sa kanila.

Photo courtesy from Sagun John Rufinel

Saad ni Rufinel, ang tusok-tusok ay para sa mga street sweepers, motorista, tricycle drivers, mga vendors, nangangalakal, construction workers o mga nagtatrabaho na nasa labas pa.

Aniya, nais nilang matulungan maibsan ang gutom ng mga taong nasa lansangan para naman hindi na nila kailangan pangbumili ng pagkain upang makakain.

“Matapos maubos ang laman ng community pantry namin sa Brgy. Concepcion Uno sa Marikina kaninang umaga, naisip namin na mamahagi naman ng libreng tusok-tusok para makakain din ang mga street sweepers, motorista, tricycle drivers, nagbibisikleta, construction workers, nagdedeliver, mga nagtitinda sa kariton, nangangalakal, at mga naglalakad sa kalsada na inabutan na ng gutom sa daan dahil hindi agad makauwi at makapagluto ng pananghalian,” Sabi sa nagpost.

Bukod sa mga tao sa lansangan ay natulungan rin nila ang fishball vendor. Dahil naging matagumpay rin ito ay nais rin nilang ipagpatuloy pa ang pamimigay ng street food.

Maraming pumuri sa kakaibang pantry na ito. Bukod kasi na nakatulong na sila ay naibsan rin ang gutom ng marami.

Basahin ang kanyang buong post:

TUMUHOG BATAY SA PANGANGAILANGAN, MAG-AMBAG BATAY SA KAKAYANAN!

Matapos maubos ang laman ng community pantry namin sa Brgy. Concepcion Uno sa Marikina kaninang umaga, naisip namin na mamahagi naman ng libreng tusok-tusok para makakain din ang mga street sweepers, motorista, tricycle drivers, nagbibisikleta, construction workers, nagdedeliver, mga nagtitinda sa kariton, nangangalakal, at mga naglalakad sa kalsada na inabutan na ng gutom sa daan dahil hindi agad makauwi at makapagluto ng pananghalian. Tuwang-tuwa ang mga residente! Sabi ng isang nanay, may pang-ulam na raw ang anak niya paggising. Naibsan na ang gutom ng mga tao sa kalye, nakatulong pa sa kabuhayan ni Kuya Gil na nagtitinda ng tusok-tusok!

Ambagan PH#AmbaganTayo

Loading...