Tugade, ipinag-utos ang lifestyle check sa lahat ng LTO officials at employees

856

Bilang pagsunod sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang kvrapsyon sa gobyero, ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang lifestyle check sa lahat ng Land Transportation Office (LTO) employees at officials.

Nitong Martes, sa pagtutulungan nina DOTr Tugade at LTO assistant secretary Edgar Galvante, ipinahayag nila na magkakaroon ng lifestyle check sa LTO.

Ang memoraandum na pinirmahan ni Galvez, nakasaad na dapat sumunod ang mga opisyales at employees. Dapat umano nilang ihanda ang kakailanganing dokumento tulad ng latest Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at Income Tax Return (ITR).

“All officials and employees of the LTO to comply, adhere, report and submit all necessary documents, to include their latest Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), and Income Tax Return (ITR), as may be required by the Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), the National Bureau of Investigation (NBI), and the Office of the Ombudsman,” ayon kay Galvante.

“Ayaw na ayaw ng Pangulong Duterte at ni Secretary Tugade ng korapsyon. Corrupt practices will not be tolerated under my watch. Ating binubuksan ang LTO sa anumang nararapat na pagsisiyasat. This serves as a reminder to all LTO officials and employees to remain straight and honest public servants.”

“We fully embrace transparency, just as we fully exert our efforts to rid the LTO with corrupt officials and employees,” dagdag pa niya.

Hinikayat rin ni Galvez ang publiko naisumbong sa kanilang tanggapin ang mga iregularidad na kanilang nalalaman.

“We consider the public as our partners in in promoting good governance. Huwag po kayong mahiya o matakot na mag-ulat kapag may nasaksihan o naranasan kayong hindi nararapat. We are ready to listen and take appropriate action,” saad ni Galvez.

Hanggang ngayon patuloy pa rin ang LTO sa pagsugpo ng mga anomalya sa kanilang ahensya gaya ng kvrapsyon at mga ‘fixers’.

Facebook Comments