TPLEX binuksan na para sa mga motorista; Manila to Baguio 3 oras na lang ang byahe

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Public Works Secretary Mark Villar sa kanyang social media account. Kung saan ay binuksan na ang final section ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway or TPLEX ngayong Hulyo 15.

Ang 11-kilometer segment ng 89.21-kilometer ng TPLEX ay napakalaking tulong dahil mas pinaikli pa nito ang byahe mula Tarlac patungong Rosario, La Union na aabutin na lang ng isang oras mula sa 3.5 oras na dating byahe nito.

Photo courtesy: Mark Villar/ Facebook

Sa pagtutulungan ng San Miguel Corps atDepartment of Public Works and Highways ay naabot nila ang itinakdang oras na matapos ang proyekto.

“By not scaling back on investments in infrastructure, we will be able to create more jobs, keep the flow of goods and services moving, and pave the way for more local tourism for the long-term,”saad ni San Miguel president Ramon Ang.

Ayon sa DPWH dahil sa TPLEX ay maaari ng magbyahe mula Manila patungong Baguio sa loob ng tatlong oras, kung dati ay aabutin ng anim na oras.

Ang TPLEX ay mayroong sampung interchanges at 11 toll plazas: Tarlac City, Victoria, Pura, Ramos, Anao, in Tarlac; Carmen, Urdaneta, Binalonan, Pozorrubio, Sison in Pangasinan, and Rosario, La Union. 

Saad pa ni Villar, “This engineering marvel showcases the capability and talent of Filipinos, and demonstrates how we can all work together to achieve something great for the common good.”

Loading...