Tenant na buntis, tinanggalan ng bubong at pintoan dahil hindi pa nakakapagbayad ng renta

Viral ang post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang pagpapatanggal ng bubong at pintoan ng may-ari sa bahay na inuupahan ng isang buntis.

Idinulog ni netizen Czairra Alliyah Cheng online ang kanilang reklamo tungkol sa may-ari ng bahay dahil sa kawalan ng puso nito sa kanyang mga tenant.

Kwento ni Czairra, dahil gipit ang buntis na kapitbahay at hindi rin makauwi ang mister nito dahil sa lockdown kung kaya hindi sila makapagbayad ng dalawang buwang renta.

Masyado lang umanong hindi makatao ang ginawa ng may-ari ng bahay dahil hindi nito iniisip ang kapakanan at kondisyon ng tenant.

“Dahil di makabayad ng upa ganyan ginagawa nya!!! Hindi na kau makatao.buntis at may anak n maliit ung tinggalan nyo!!wala ung aswa dhil n lockdown s bulacan!!”saad ng uploader.

Sa video, makikita pa ang pagbaklas ng bubong ng bahay. Ang isa pang video ay tinutulungan na ng mga kapitbahay ang buntis dahil nabasa na ng ang mga gamit nito na bigla na lang umulan.

Kwento pa niya, tinangka nilang pigilan ang may-ari ngunit muntik na umano siyang hampasin ng wire ng rice cooker.

Inireklamo na rin nila ito sa kanilang barangay sa may Caloocan. Ngunit saad daw ng may-ari ay hindi siya natatakot kahit umabot pa sa demandahan.

Samantala, nagpahayag na si Pangulong Duterte tungkol sa ganitong isyu. Aniya, mananagot ang sinumang may-ari na magpapalayas ng mga nangungupahan.

Panoorin ang video:

Narito naman ang updated report ng GMA news:

Loading...