Tatay napaluha matapos hindi kunin ng buyer ang pinagawang parol

Trending ngayon online ang maraming gawang parol kung saan hindi kinuha ng buyer at nakaabuno na ng P100,000 ang may-ari.

Maraming netizen ang naawa sa isang tatay matapos maloko ito ng isang buyer.

Ang post na ibinahagi ni Arlene Simon sa social media ay umani ng maraming reaction at shares dahil sa nakakaawang sitwasyon ni Tatay Maxi.

Ayon sa post, naloko ng P100,000 si Maxi dahil hindi kinuha ng isang buyer ang order nitong mga parol.

Sa video, makikita ang sobrang daming parol na nakasabit, may puti at pulang parol. Hindi na nasabi kung ilang piraso ito siguradong marami-rami ito.

Napaiyak na lamang si tatay Maxi dahil sa sobrang pagkadismaya. Hindi na niya malaman kung paano maibabalik pa ang kaniyang nagasta sa paggawa ng mga parol.

Aniya, mababaon na naman daw siya sa utang nito.

Nakisimpatya naman ang mga netizen sa nangyari kay tatay. Marami namang netizen ang gustong tumulong at nais bilhin ang parol.

Samantala, umabot na sa 11,000 ang shares ng video as of posting at patuloy rin ang dagsa ng mga netizen na nais bumili ng Christmas parol.

For reference, panoorin ang buong video:

Loading...