Tatay na nasa kulʊngan, matiyagang tinuturuan ang anak sa pag-aaral habang magkausap sa video call

Lahat ay pwedeng maging ama ngunit hindi lahat ay kayang magpakaama. Kaya maswerte ang mga pamilya g magkaroon ng mabuti at mapagmahal na ama.

Bawat pamilya ay may pinagdadaanang unos. Ngunit anuman ang mangyari ang pagiging isang responsableng ama ay hindi isinsantabi kahit nasa likod paman ito ng r3has.

Gaya na lamang ng kwento Tatay Tom na kahit nakapiit siya sa kulʊngan ay pinatunayan niyang hindi ito hadlang upang hindi matulungan nag anak sa pag-aaral.

Credit:Tristan Nodalo / Facebook

Nag-viral ang larawan ni Tatay Tom at anak na 5 anyos habang tinuturuan niya ang anak sa aralin nito. Sa tulong ng video call ay hindi sinayang ni tatay ang pagkakataon na matulungan ang anak.

Sa tulong ng e-Dalaw program kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga nakakul0ng na makita at makakusap ang kanilang pamilya through online.

Credit:Tristan Nodalo / Facebook

Kaya naman ginamit ni Tatay Tom ang 10 hanggang 15 minutong video call para maturuan ang anak sa mga aralin nito. Kahit na nakakul0ng siya sa San Juan City J4il ay nagagawa pa rin niyang maglaan ng oras sa anak upang magturo.

Hindi nakakalimot si tatay sa kanyang tungkulin bilang ama na ikinaantig naman ng mga netizen. Maraming humanga sa dedikasyon ng ama na matulungan ang anak sa pag-aaral nito.

Credit:Tristan Nodalo / Facebook

“Hindi ko na sinayang ang pagkakataong ito upang maturuan ko ang aking anak sa pamamagitan ng ‘e-Dalaw.’ Ako na mismo nagtuturo sa anak ko habang ako’y nandito sa loob ng kulʊngan. Kahit papaano, maturuan ko siya habang siya’y wala sa aking tabi,”saad ni Tatay Tom.

Aniya, siya na mismo ang gumagawa ng paraan upang madaling matuto ang anak. Gamit ang mga materyales na nasa loob ng kulʊngan ay nagsusulat at gumuguhit siya ng lesson para maituro sa anak.

Bagamat nakakul0ng si tatay ay masaya naman ang mga netizen sa nakikita nilang pagsisikap ni tatay na magbagong buhay.

Loading...