Tatay na nakatira sa kalye, sinagip at inalagaan ang isang tuta; netizens nagpaabot ng tulong

Maraming pinoy ang dog lover kaya kadalasan sa atin ay may mga alagang aso, mapa-aspin man yan o may breed.

Ika nga ang mga aso ay “man’s best friend” dahil sa pagiging loyal nito sa kaniyang amo at maaasahan sa lahat ng oras sa pagbabantay ng ating mga tahanan.

Gayunpaman, kahit walang sariling tahanan at sa kalye lang nagpalaboy-laboy ang isang tatay ay inaruga niya ang isang tuta.

Ayon sa post ni Ralph Ace Uy, natagpuan nila sa labas ng 7/11 ng Cabanatuan City, Nueva Ecija si tatay Isagani. Una niyang napansin ang bote ng gatas sa tabi nito. Agad namang nagpaliwanag si tatay na hindi umano kaniya iyon kundi sa kaniyang alagang tuta.

Photo courtesy: Ralph Ace Uy/ Facebook

Namangha si Ralph sa malasakit ni tatay sa tuta. Dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay inako pa nito ang responsibilidad na alagaan ang tuta.

Kwento sa kaniya ni tatay Isagani, ibinigay sa kaniya ang tuta at dahil sa awa ay kinopkop niya ito at inalagaan.

“Sa aso ko yan anak. Ibinigay sa akin ng di ko kilala. Wala ng nanay ‘yung tuta,” paliwanag ni tatay.

“‘Di ko naman kayang pabayaan lang din. Kawawa saka isa pa siya lang kasi makakasama ko sa Pasko,” dagdag pa niya.

Maraming netizen ang naantig sa kwento ni tatay kaya naman marami ang gustong tumulong.

Sa pangunguna ni Xtine Grace, hinanap nila si tatay upang mag-abot donasyon. Nang matagpuan siya sa Freedom Park ng Crossing Highway ng siyudad, nalaman nila ang mas malalim pa na istorya ng buhay nito.

Photo courtesy: Xtine Grace/ Facebook

Si tatay ay mag-isa nalang sa buhay at for demolition na umano ang tinirhan nito. May kumopkop rin sa kaniyang pamilya at tumira siya doon ng anim na buwan.

Kahit mahirap ang buhay ay patuloy na lumalaban si tatay kaya bumuhos rin ngayon ang tulong sa kaniya.

Loading...