Tatay na may sakit, pinalayas umano ng anak; Napaiyak na lang sa tabi ng daan

Isang matandang lalaki ang trending ngayon sa social media matapos itong pinalayas ng sariling anak at napaiyak na lamang sa kalsada.

Natagpuan ng isang concerned citizen ang isang tatay na umiiyak sa daan. Ayon kay Amaran Lat, pinalayasumano ito ng kanyang anak.

Natagpuan ni Amaran ang matanda sa Balibago Sta. Rosa, Laguna.

Kaya naman ibinahagi niya sa social media ang larawan ng matanda upang malaman ng kamag-anak nito at maiuwi na sa kanila.

Photo courtesy: Amaran Lat/Facebook

Naawa si Amaran sa matanda. Sa pakikipag-usap niya kay tatay ay napag-alaman nitong may sakit ito ngunit pinalayas pa ng anak.

Photo courtesy: Amaran Lat/Facebook

Si tatay umano ay taga Batangas, ngunit nasa may Laguna na siya ngayon.

“Bka po may nkka kilala kay taytay.sya po ai tga batangas.sya daw po ai pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna.pa share nlng po po,” saad ni Amaran sa kanyang post.

Marami namang netizen ang naawa sa kalagayan ng matanda. Samu’t saring reaction ang nagmula sa mga netizen.

Marami ring bumatikos sa mga anak na nagpalayas sa matanda dahil nga may sakit na ito at nasa tabing daan lang dahil walang mauwian.

Loading...