Tatay na karga-karga ang kanyang isang taong gulang na anak habang naglalako taho, umantig sa mga netizen

Isang masipag at dakilang ama ang hinangaan sa social media dahil habang naglalako ng kanyang paninda ay karga-karga rin niya ang kanyang isang taong gulang na anak.

Maraming netizen ang naantig sa isang tatay sa Binangonan, Rizal dahil kahit mabigat at mahirap ang kanyang sitwasyon ay pilit niyang kinakaya para sa kanyang anak.

Matapos ibahagi ni netizen Jam Perry Branch ang larawan ni tatay Richard Paclibare, 30 anyos sa social media. Nag-trending kaagad ang kwento ni tatay.

Credit: Aljun Tubahon / Facebook

Ayon sa kwento ni Jam, kaya umano karga-karga niya ang kanyang maliit na anak ay dahil walang mag-aalaga rito. Kaysa wala siyang kitain noong araw ding iyon ay minabuti na lamang niya na dalhin ang anak para naman maalagaan niya at may kita pa siya.

Mag-isa na lamang na itinataguyod ni tatay Richard ang anak. Matapos silang iwanan ng kanyang misis ay wala na silang komunikasyon rito kaya naman hindi niya alam kung nasaan na rin ito.

Credit: Aljun Tubahon / Facebook

Tanging paglalako ng taho ang pinagkakakitaan ni tatay. Kumakayod siya ng maigi para matustusan ang kanilang pang araw araw na gastusin.

May kapatid naman daw si tatay na maaaring magbantay sa kanyang anak, ngunit may pagkakataon rin umano na may kailangan rin itong gawin. Kagaya noong nakuhanan sila ng larawan ay isinasama niya sa trabaho ang anak.

Makikita sa mga larawan na mabigat ang dala-dala ni tatay at nakapasan rin sa kanyang likod ang anak. Ngunit lahat ng ito ay kinakaya ni tatay kaya naman humanga ang mga netizen sa katatagan ni tatay.

Credit: Aljun Tubahon / Facebook

Dahil sa kanyang kalagayan ay naisipan ni Jam na i-post sa social media ang kwento ni tatay upang matulungan sila. Hindi naman nabigo ang netizen dahil nag-viral ang kanyang kwento at maraming netizen ang nagpaabot kaagad ng tulong kay tatay.

Hindi lamang mga indibidwal ang nagpaabot ng tulong. Kahit ang lokal na pamahalaan ng Binangonan ay nahbigay na rin ng tulong sa mag-ama.

Nagbigay naman ng mga positibong komento ang mga netizen patungkol kay tatay. Maraming natuwa sa pagiging dakilang ama nito sa kanyang anak.

Saad ng ilan, kahanga-hanga ang kasipagan at pagiging responsableng ama nito. Isang magandang ehemplo umano siya sa lahat ng magulang na nagsusumikap para maitaguyod ang pamilya at hindi sumusuko sa hamon ng buhay.

Loading...