Tatay na basurero, nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo at pinag-aaral pa ang lima

Mapalad ang amang isang basurero dahil ang kanyang anim na anak ay mababait at masisipag mag-aral. Ngunit mas maswerte rin ang mga anak dahil nagkaroon sila ng isang responsableng tatay.

Umani ng maraming papuri mula sa mga netizen ang garbage collector na si Tatay Cris Quimado dahil nagawa niyang mapagtapos ng kolehiyo ang kanyang panganay na anak, habang nag-aaral rin ang lima pang anak.

Hindi madali ang magpaaral ng anak dahil sobrang gastos lalo na sa kolehiyo. Ngunit ito ay napagtagumpayan ni Tatay Cris kahit na siya’y isang basurero.

Lahat ng kanyang anak ay nag-aaral. Ang panganay na si Jen Rose ay nagtapos ng Nutrition and Food Technology mula sa Technological University of the Philippines. Ang dalawa ay nasa kolehiyo na, habang ang tatlo ay nasa high school pa.

Sa segment ng programang Eat Bulaga ay isa si tatay Cris sa mga contestant at doon ay ikwenento niya ang kanyang buhay.

Proud na proud si Tatay dahil mayroon siyang mga mababait na anak. Kahit na mahir4p ang buhay ay naitaguyod niya ang anim na anak.

“Mahirap ang buhay kasama na anim na ang anak ko. Lahat sila nag-aaral. Trabaho ko, isa lang akong basurero.”

“Pinilit ko muna matapos muna ang isa. Hanggang ngayon tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral ng iba,” kwento pa niya.

Ibinahagi rin niya ang hamon na dumating sa kanila noong nagkaroon ng pand3my4. Aniya, katatanggap lang sa trabaho ng kanyang panganay na anak ng magkaroon ng pand3my4. Isa umano ang kanyang anak sa nawalan ng trabaho.

Kahit na mahir4p ang buhay ay sama-sama naman sila. Sa tulong rin ng kanyang misis ay nakakaraos rin sila sa pang araw-araw. Namamasukan umano sa isang bakery shop ang kanyang asawa ngayon.

Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Tatay Cris. Hanggang elementarya lang umano siya dahil mahir4p ang kanilang buhay kaya kailangan niyang huminto sa pag-aaral.

Naging emoti0nal naman siya habang nagbibigay ng payo para sa mga anak.

“Basta ang sinasabi ko lang sa kanila, ‘Magtapos kayo kasi yun lang yung ia-ano ko sa inyo, maipagmamalaki.’”

Nagpasalamat naman ang mga anak ni Tatay Cris dahil sa kanyang pagiging dakilang ama. Maging si tatay ay nagpasalamat ri nsa mga anak at hiling na makapagtapos sila ng pag-aaral dahil iyon lamang ang kanyang maipapamana sa kanila.

“Sa mga anak ko, salamat kasi hindi kayo nagpapabaya sa pag-aaral. Magpakabait lang kayo lagi. Huwag niyong pababayaan ang pag-aaral niyo.”

Loading...