Tapat na vendor, nagsauli ng napulot na pitaka na may lamang P10k

Isang mabait na vendor ang hinangaan online dahil sa kanyang pagiging tapat.

Ang vendor nag-viral matapos niyang isauli ang pitaka na napulot niya sa daan. Ang pitaka ay naglalaman ng halagang P10,000.

Nang mapulot ito ni mang Jojo Tiamzon ay hindi niya ito pinakialaman. Bagkus ay ibinigay nita ito sa Barangay Hall ng Longos, Malabon upang matulungan siyang maibalik ito sa may-ari.

Hinangaan naman ng mga netizen ang pagiging matapat na ipinamalas ni Mang Jojo.

Credits: Angelika dela Cruz /Facebook

Sa panahon kasi ngayon ay bibihira nalang kasi na makakita ka ng gaya sa kanya. Mahirap ang buhay na kinakaharap ngayon dahil sa pand3mya.

Sa kabila nito ay mas pinili pa rin ni mang Jojo na maging tapat. Hindi siya nasilaw sa perang kanyang napulot.

Sa mga larawan, makikitang karga pa ni Mang Jojo ang kanyang nilalakong paninda habang isinurender niya ang pitaka sa barangay.

Ang pitaka ay may lamang P10,000 at IDs ng may-ari. Kaya mas mapapadali ang paghahanap sa may-ari nito na may pangalang Jose Pacho.

Credits: Angelika dela Cruz /Facebook

Umani ng mga positibong komento mula sa mga netizen ang kabutihan ng vendor at katapatan na kanyang ipinamalas.

Nagpaabot ang mga netizen ng pagsaludo at paghanga. Hiling nila na maraming pang katulad ni Mang Jojo na may busilak na kalooban sa kanyang kapwa.

Loading...