Syrian vlogger, pinakyaw ang panindang prutas ng matandang tindero

Trending muli sa social media ang Syrian vlogger o mas kilala bilang The Hungry Syrian Wanderer matapos nitong pakyawin lahat ng panindang prutas ng isang matandang lalaki.

Namangha si Basel sa pakulo ng matandang tindero kaya naman binili niya lahat ng prutas.

Ang kariton ng matandang tindero ay may kasama pang sanga ng prutas kung saan nakasabit dito ang iba’t ibang klase ng prutas.

Aliw na aliw si Basel sa pakulo ni tatay para makakuha ng atensyon sa mga mamimili.

Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer /Facebook
Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer /Facebook

“ONLY IN THE PHILIPPINES: Walking Mango Tree Using Kariton! Yung dinala na pati puno ni Tatay to attract customers to notice and buy his fruits habang naglalako sa kalsada! namunga na ng ibat ibang prutas ang puno ng mangga ni Tatay 😂🙌.”

“Pakyaw paninda 😇 Rewarding some hardworking kababayans in a way to show people that if there’s a will there’s a way,” saad ni Basel.

Photo courtesy: The Hungry Syrian Wanderer /Facebook

Pahayag pa niya, ito umano ang panahon ng pagtutulungan. Makikita na marami sa mga kababayang pinoy ang nagsusumikap ngayon upang mairaos ang pang araw-araw na pangangailangan, sa kabila ng banta ng COVID-19.

Dagdag pa ni Basel, nais niyang makatulong sa iba at sana’y magbigay kamalayan rin ito sa iabng pinoy na nais tumulong sa kanialng kapwa kahit sa simpleng paraan lamang.

“Reviving bayanihan. To show people maraming mga nangangailangan at sana sa mga may kaya tumulong sa mga katulad nila, this is the best time na magtulungan. Wag mawawalan ng pagasa mga Kababayan, malalagpasan din natin ito.”

#BringingBackBayanihan I just want to use this platform to help those who are in need and to send awareness. If I can do it, you can too. Spread Kindness and Positivity ❤️

Loading...