Swedish National, inireklamo ang pinay na pinerahan lang siya at nagpanggap pang dalaga

932

Nagtungo ang isang Sweden citizen sa programa ni Sir Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang pinay na karelasyon dahil sa pangloloko nito sa kanya.

Ayon kay Michael Gradert na nagreklamo, pineperahan lang umano siya ni Eva Jusay, 34, at nagpakilala pa sa kanyang dalaga pa ito.

Dismayado umano siya sa ginawa ni Jusay lalo pa at umabot na ng P292,000 ang kanyang perang naibigay rito.

Napag-alaman niya ilang linggo lang ang nakakalipas na may asawa na si Eva at may dalawang anak sa Cebu.

Nagkakilala umano sila ni Jusay sa isang dating app maglilimang taon na ang nakakalipas.

Nagpaunlak naman ng interview si Jusay at nangakong babayaran si Gradert sa perang naipadala.

Todo hingi ng paumanhin si Jusay at nagsisisi na daw siya sa kanyang ginawa.

Nangako siyang babayaran ang Sweden buwan-buwan hanggang mabayaran nila lahat.

Sa panayam naman ng mister ni Ev, aniya, kamakailan lang din niya nalaman ang ginawa ng kanyang misis. Nangako naman siya na magbabayad sila sa napagkasunduan.

Saad ni Gradert naiintindihan umano niya si Eva kung kapos ito sa pera ngunit dismayado lang umano ito ginawang panloloko sa kanya.

Sa huli, nagkasundo sila na magbibigay sila ng paunang bayad sa halagang P60,000 at magkikita ng personal upang pagkasunduan ang buwanang ibabayad.

Abangan ang karugtong na kwento.

Panoorin ang buong kwento:

Facebook Comments