‘Superman saves the day!’ Lalaki, trending matapos mapatay ang sunog gamit ang tsinelas

Sinong mag-aakalang gamit ang tsinelas ay pwede pala itong pangpatay ng sunog.

Ito ngayon ang viral sa social media matapos maapula ng isang lalaki ang nagsisimulang sunog sa mall gamit lang ang kanyang tsinelas.

Sa videong kuha ni Ron Bongcayao Moncada, pinagkaguluhan agad ito ng mga netizens ng makita ang astig na diskarte ng lalaki para maapula kaagad ang sunog.

Image may contain: 4 people, people standing

Saad ni Moncada, “Superman saves the day! Champion sa tumbalata si Kuya. Happened today at SM Ecoland Annex 3:55pm.”

Nangyari ang insidente sa SM Ecoland Davao City nitong Sabado, bandang alas tres ng hapon.

Umabot na sa milyo ang viewers ng naturang video at nasa mahigit 16 thousand ang nagbahagi nito.

Sa sampung segundo ng video, makikitang agad na lumapit lalaking naka sul sa sunog at biglang tapon ng tsinelas sa apoy. Nang hindi mamatay ito sa unang beses, ay tinapon ulit ang isa pang tsinelas.

Naging successful naman ang stratehiya ng lalaki. Kung kaya puro papuri ang kanyang natanggap mula sa mga netizens.

Kung susumain, seryoso ang naganap pero dahil sa kakaibang ginawa niya ay nagmistulang kaailiw-aliw ito.

Panoorin ang kabuuang video:

 Samantala, basahin natin ang mga naging reaksyon ng mga netizens:

 

Loading...