Streamer ‘Ghost Wrecker’, pinakyaw ang panindang kakanin ng isang butihing tatay

Dahil Father’s day ngayon ay pinakyaw ng isang streamer ang panindang kalamay ng isang tatay sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Labis ang galak ng lalaki matapos bilhin lahat ng kanyang paninda ni Elyson “Ghost Wrecker” Caranza.

Sa video na ibinahagi ni Caranza, makikitang lumapit sa kanila ang isang motor na sakay isang lalaki na may suot na helmet at face mask ng MMDA.

Source: Ghost Wrecker

Kinabahan umano ang kanilang grupo sa paglapit ng lalaki dahil sa pag-aakalang may violation sila lalo pa at naka parking sila doon.

Nang maglabas ito ng tinitinda at ialok sa kanila ay nakahinga na sila ng maluwag. Doon ay ikwenento ng lalaki na nagtitinda siya kapag day off niya upang may kita at pandagdag na rin sa kanilang gastusin.

Natuwa si Caranza ng makirig ng kwento ng lalaki dahil masigasig itong nag iikot-ikot sa CAloocan upang magbenta ng kakanin na gawa ng kanyang misis.

Source: Ghost Wrecker

Ibinebenta ng P100 kada isa ng lalaki ang kakaning kalamay.

Bilang handong niya at tulong sa lalaki ay pinakyaw na nito ang paninda para naman makauwi na ito sa kanila ng maaga at makapag-celebrate ng Father’s day.

Sobrang pasasalamat nito sa tulong ni Caranza. Nang hindi na kinuha ni Caranza ang ilang kakanin sinabi ng lalaki na ipapamahagi niya iyon sa iba na nangangailangan.

Loading...