Squad goals! Tatlong magkakaibigan, pumasa at kabilang pa sa top 3 ng Physician exam

Napabilib ang mga netizen ng mag-viral ang tatlong magkakaibigan kung saan hindi lang sila pumasa kundi kasali pa silang tatlong sa topn0tcher ng October 2021 Physician Licensure Examination.

Squal goals nga na maituturing ang pagkakaibigan nina Ian Juyad, Geremiah Llanes at Jian Lean. Sa paglabas ng resulta ng Physician exam ay nagulat sila ng pare-pareho silang pumasa at kabilang pa sa top 3.

Nanguna sa pagsusulit si Ian Juyad na may score na 87.50% habang tie naman sa top 2 sina Geremiah Llanes at Jian Leal sa 87.42%.

Courtesy: Ian Juyad / Facebook

Nakapagtapos silang tatlo sa University of Philippines- Manila. Labis ang saya nila at kanilang pamilya dahil hindi nila akalaing silang tatlo ang mangunguna sa pagsusulit.

Ayon sa PRC, nasa kabuuang 1,677 sa 2,302 examinees ang pumasa sa ginanap na physician licensure exam nitong Oktubre.

Napa-wow naman ang mga netizen dahil friendship goals nga naman ito. Nagpaabot rin ng pagbati ang mga netizen at masaya sila sa nakamtang tagumpay ng tatlo.

Basahin ang ilang komento mula sa mga netizen:

“Congrats…..sana you will serve here in our country…..not in abroad….we Filipinos need potential Doct0rs like you especially in this time of pand3mic….God bless”

“Congratulations to our 3 new Doct0rs. You are all much much needed and more power.“

“Magkakaibigan hilahan pataas. Congratulations ❤️”

Loading...