Sobrang laking facemask na taklob pati mukha, viral online: ‘Sabihin mo salamat shoppee’

Kinaaliwan online ngayon ang sobrang laking facemask kung saan pati mukha ay natabunan na.

Maraming netizen ang natuwa ng makita ang larawan ng mga babaeng netizens na suot-suot ang malaking facemask na nabili nila online.

Ang screenshot photos na in-upload ni Jhaysuer Deo ay umani ng maraming shares. Umabot na ito ngayon sa 12,000 shares at mahigit 7,000 na reactions.

Makikita na kahit sa panahon ng pandemya ay hindi talaga nawawala ang pagiging masayahin ng mga Pilipino.

Dahil mahirap makalabas ngayon, karamihan sa mga pinoy ay bumibili nalang online. Mas marami na rin kasing oras ngayon na nasa bahay lang at babad pa sa paggamit ng cellphone.

Dahil rin sa COVID-19, mabenta ngayon ang facemask. Ngunit viral ngayon ang facemask na nabili ng ilang netizens sa Shoppee shopping site. Kung saan halos matakpan naang buong mukha ng sumusuot nito.

Aliw na aliw si netizen Jhaysuer sa review ng mga nakabili. Kaya naman ibinahagi niya ito sa Facebook at umani rin ng masasayang komento.

Basahin ang ilang nakaka-goodvibes na mga comment:

Jed Delos Reyes, “next time butasan nyo sa bandang mata yung shield.”

GLAIZA MAE LIBA TALINGTING, “LT HAHAHAHAHA SURE SAFE.”

Bret Garcia, “HAHAHAHAHA I think you’re suppose to wear that down to your chin is fully covered pero LT naman sobra HAHAHAHAH”

Loading...