Single mom, nakapagpatayo ng dream house gamit ang kanyang ipon at hindi nangutang

Napabilib ang mga netizen sa isang single m0m dahil nagawa nitong makapagpatayo ng kaniyang dream house na ipon lang ang ginamit at hindi umutang kanino man para sa construction nito.

Na-inspire ang mga netizen kay Wendee Arriesgado mula Cebu matapos niyang maipatayo ang 2-storey na bahay. Kahit na single m0m at may tatlong anak ay na-manage maigi ni Wendee ang kanyang finances upang makapagpatayo ng bahay.

Sa kanyang panayam, saad niya na lumipat sila ng kanyang mga anak sa kanilang probinsya sa Bantayan. Dahil may luoang pag-aaro ang kanyang magulang ay doon niya naisipang ipatayo ang kanyang bahay.

Credit: Wendee Arriesdago / Facebook

Nagsimula umano siya sa initial fund na P200,000. Ngunit natigil ito dahil kulang na kulang pa ito para maipatayo niya ang kanilang dream house. Pagdating sa pagpaplano sa pagpapatayo ng bahay ay mas maigi na planuhin itong maigi maglaan ng sapat na pondo.

Nang matigil sa pag-construct ang kaniyang bahay ay nagsumik4p si Wendee upang makaipon pa ng malaking halaga. Dahil hindi biro ang gastos, todo-kayud siya sa trabaho. Lahat umano ng mga projects ay kanilang kinukuha at nag-oovertime pa upang makaipon lang ng pera.

Credit: Wendee Arriesdago / Facebook

Sinimulan ulit niya ang pagtapos sa kanyang bahay nang makaipon na siya ng tingin niya ay sapat na para pambili ng materyales. Ang kanyang nagastos na sa bahay ay umabot na ng P700,000. Konting tiis na lamang ay matatapos na rin ang kanilang bahay.

Worth it naman ang pagsisikap ni Wendee dahil sa Disyembre ay maaari na umano silang lumipat sa kanilang bagong bahay. Kwento niya, hindi biro ang magpatayo ng bahay dahil malaking halaga ang iyong bubuuin. Ngunit nagawa ito ni Wendee dahil sa kanyang tiyaga at pagsisikap.

Isinasali rin umano siya sa pagpaplano at pag-iipon ang kanyang mga anak upang habang bata pa sila ay matuto na sila.

Credit: Wendee Arriesdago / Facebook

Payo naman niya sa iba na nangangarap ring makapagpatayo ng bahay ay dapat magsumik4p lang, gawing daily habit ang pag-iipon at maging focus umano sa iyong nais makamtan.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizen sa nakamtan ni Wendee. Hindi lamang ang mga single m0m ang naispire sa kanyang kwento. Marami ring netizen ang nais rin makapagpatayo ng kanilang dream house nang hindi umuutang. Kahit matapos man ang iyong bahay ay wala kang iintindihin na mga bayarin.

Loading...