Security Guard, isinama sa trabaho ang anak dahil walang mag-aalaga, hinangaan online

Bumilib ang mga ntizen sa pagiging huwarang ama ng isang security gusrd matapos nitong dalhin sa pinagtatrabahuan ang kanyang anak.

Viral ang post ni netizen Jeff Magno sa social medial matapos niyang ibahagi ang larawan ng isang sekyu kasama ang anak.

Sa larawan makikita na binabantayan sa pagtulog ng sekyu ang isang batang babae.

Kwento ni Magno, nasa isang pawnshop sila at habang naghihintay ay napansin nila ang sekyu na may binabantayang bata.

Nakiusyoso muna sila at doon ay napag-alaman nila na anak nito ang bata. Dinala umano muna niya sa pinagtatrabuan ang anak dahil walang ibang mag-aalaga dito.

Hindi naman naging balakid sa trabaho ng sekyu sa pag-aalaga sa kanyang anak. Bagkus, maaninag naman s akanyang mukha ang tuwa habang inaalagaan ang anak.

Natuwa naman ang mga netizen dito dahil sa kanyang pagiging responsableng ama.

Ipinagpasalamat rin ng mga netizen na pumayag ang boss ng sekyu na doon muna ang bata habang wala pang makakapag-alaga nito.

Walang makakatumbas sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak. Lahat ay kayang gawin para sa kapakanan ng anak.

Loading...