Security guard, binawian ng buhay dahil sa stroke habang nagbi-bisikleta mula QC to Antipolo

Isang security guard ang pinapaniwalaang na stroke habang nagbibisikleta papauwi.

Nagluluksa ngayon ang asawa at pamilya ni Allan Artuz matapos siyang pvmanaw habang papauwi galing trabaho.

Si Artuz ay isang security guard sa isang condominium sa Quezon City at umuuwi itong naka-bisikleta lang patungong Antipolo, Rizal.

Ayon sa kanyang misis, magmula ng magsimula ang enhanced community quarantine ay nagbibisikleta na papuntang trabaho at pauwi ang kanyang mister.

Photo courtesy: Irene Artuz/Facebook

Kaya naman laking gulat niya ng mabalitaang wala ng buhay ang mister.

Isinugod si Artuz sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina at doon ay binawian rin siya ng buhay.

Sa post ng asawang si Irene Oblino Artuz, sobrang nagdadalamhati siya sa pagkawala ng mister.

Photo courtesy: Irene Artuz/Facebook

“Pano ko ba sasabihin sayo na paalam daya mo nman pa bkit mo nman kami iniwan ng maaga pano ko tatangagapin na wla kna pano kami ng mga anak mo. Hnd manlang pumasok sa isip ko ng mangyayari sau yan kaya pla anomg oras na wla kpa tumawag kpa kanina umaga sakin sbi mo maaga ka darating kaya pla lahat ng tao sa bahay tinanong ko kng dumating kna wla pa daw un pla hnd kna tlga darating. Mahal na mahal kita pa subrang bigyan mo ko ng lakas ng loob para kayanin ko tong lahat.😭😭😭😭”

Saad ni Irene, may diabetes at high blood pressure rin. Huminto na rin umano sa pag-inom ng gamot ang mister dahil sumasakit ang tiyan nito dahil sa gamot.

Sa panayam naman niya sa GMA news, pinuri rin siya ang mga frontliners gaya ng napayapang mister.

“Saludo ako sa inyo. Ayun po talaga ‘yung ang trabaho. Kailangan talaga pumasok, kahit ano mangyari,” saad niya.

Loading...