Salon owner, nagbigay ng bonggang 13th month pay sa kanyang mga empleyado

Sobra-sobrang 13th month pay ang natanggap ng mga empleyado sa isang salon mula sa kanilang amo na pinusuan ng mga netizen.

Napahanga ang mga netizen dahil bukod sa natanggap na ng mga empleyado ng isang salon ang kanilang 13th month pay ay malaking halaga rin ang ipinamahagi ng may-ari.

Nasa P30,000 umano ang natanggap ng mga empleyado ng Adarna Grande salon sa Las Piñas. Kaya naman napa-sana all na lamang ang mga netizen dahil galante ang may-ari ng salon at nakatanggap lahat ng kanyang limang empleyado.

Credit: Adarna Grande Hair and Nails Studio Salon / Facebook

Ayon sa ulat, malaki umano ang pasasalamat ng may-ari sa biyayang kanyang natanggap. Dahil kahit na may pand3my4 ay mas lumaki umano ang kanyang kita dahil maraming nagpapa-home service sa kanila.

Ibinabalik lang daw niya ang mga biyayang kanyang natanggap at nagpapasalamat rin siya sa masisispag niyang mga empleyado dahil deserved nila iyon.

“Deserved naman nila… Sabi nga kapag gumagawa ka ng kabutihan sa kapwa ibinabalik yan ni Lord ng sobra sobra.”

Maraming establishments ang naapektuhan dahil sa ipinagnabawal na pagbubukas. Ngunit isa ang salon na pinalad na umusbong sa kabila ng pand3my4.

Credit: Adarna Grande Hair and Nails Studio Salon / Facebook

Dagdag pa ng may-ari, makakatanggap rin umano ng cheistmas bunos ang kanyang mga empleyado sa pasko. Kaya tiyak na merry ang kanilang pasko nila dahil marami silang matatanggap na biyaya.

Samanatala, umani naman ng samu’t saring reaskyon ang post dahil hindi naman lahat ay mapalad magkaroon ng mabuting amo.

Loading...