Rescuer sa Tuguegarao, nasawi matapos makuryente sa baha

Nalungkot at nakiramay ang mga netizen nang malamang isang lalaking rescuer sa Tuguegarao ang nam4tay matapos makuryente habang tumutulong sagipi ang mga kababayang na stranded sa baha.

Dahil sa bagyong Ulysses, umapaw ang mga tubig sa mga ilog sa ilang lalawigan na dinaanan ng bagyo at umabot pa hanggang bubong ang baha. Kaya naman maraming pinoy ang na-stranded sa kani-kanilang bubong.

Kaya naman kaliwa’t kanan rin ang pagresponde ng mga uniformed personnel upang iligtas ang mga kababyan.

Ngunit isang nakakalungkot na trahedya ang naganap habang inililigtas ng isang rescuer ang mga residente ay nakuryente ito at naging dahilan upang bawian siya ng buhay.

Ayon sa post ni netizen Ian Saquing Maggay, tugon sa kanyang katungkulan bilang isang kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay ibinuwis niya ang kanyang buhay upang makatulong sa iba.

Kaya naman humihingi siya ng tulong pinansyal para sa awasa at anak nitong 5 buwang gulang na naiwan.

What is more heartbreaking is naiwan nya ang kanyang asawa and his 5 month old son that now both will continue to face the challenges of life without him. After he risked his life by helping others, maybe we could also extend at least a little support to the bereaved family,” saad sa post ni Maggay.

Si Villarao ay sumama sa pagrescue ng mga residente nitong Biyernes sa Linao, Tuguegarao.

Loading...