Renta sa bahay ng nangungupahan nilibre ng isang buwan ng may-ari

Ugali na ng mga Pilipino ang pagiging matulungin at maunawain sa kapwa. Kaya naman laking pasasalamat ng isang netizen na si Melinda Lagusad Tagra na nakalibre siya ng isang buwang renta sa kanyang inuupahan.

Naging viral sa social media ang post ni Melinda. Sa ngayon, umabot na ng 87,000 shares, 25,000 reactions at 10,000 comment ang kanyang nasabing post.

Dahil sa pagtaas ng bilang na nahahawaan ng COVID-19 sa bansa ay idineklara na ng ating pamahalaan ang “enhanced community quarantine” ang buong Luzon.

Malaking dagok ito sa lahat lalo na sa mga naghahanapbuhay nating kababayan.

Ngunit sa panahong ito, nagpapatunay lamang na nangingibababw pa rin ang pag-unawa at pagmamalasakit sa kapwa.

Ibinahagi naman ni Melinda sa kanyang social media ang screenshot ng mensahe ng kanyang landlady. Tingnan sa ibaba:

“Hi Melinda, sa April 15, wag ka magbayad ng upa, Bali ang next payment mo sa May 15 na, ifree ko na ung 1 month rent Dahl sa crisis ngaun. Ingat nlang kayo. Salamat.”

Photo Courtesy: Tpc Melinda Lagusad Tagra

Kaya naman laking pasasalamat ni Melinda sa may-ari ng bahay dahil napakalaking tulong na nilibre sila ng isang buwan nito.

Basahin ang buong post ni Maam Melinda:

Thank you Lord kakareceived ko lang po ng messege from our Landlady na hindi po kami magbabayad ng rent for 1month. Laking tulong po talaga.napakabait nya po at naintindihan nya ang situation ngayon.
Pagpalain po kayo lalo sa Poong Maykapal sa kabutihan nyo po. Salamat po ulit.

Loading...