Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Matapos mag-viral online ang pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac, nahaharap ito ngayon sa patong-patong na kaso.

Ayon sa ulat, marami ng kaso si Jonel Nuezca ngunit hindi ito natanggal sa pwesto. Kaya naman nakatutok si Raffy Tulfo sa kahihinatngan ng kasong ito upang managot ang pulis.

Nangyari vang insidente nitong Linggo ng hapon, kung saan nagkaalitan ng pulis ang biktimang si Frank Anthony Gregorio. Ngunit imbes na magpigil ang pulis ay mas lalo itong napikon ng magkasagutan ang kaniyang anak na babae at biktimang si nanay Sonya Gregorio

Walang pagdadalawang-isip na binaril sa ulo ni Nuezca ang mag-ina na ikinamatay agad ng dalawa.

Samantala, sa panayam ni Tulfo sa pamilya ng mga biktima. Kwento ng pamilya na may alitan na noon pa ang dalawa. Ito ay dahil umano sa “right of way” at may kaugnay sa lupa.

Noong 2019, may kaso ng grave misconduct ang pulis na isinampa sa kanya noong Mayo at Disyembre.

Dahil sa kakulangan ng ebidensya ay na-dismiss na ang kaso.

Ayon kay Tulfo, doon pa lamang, makikita nang tila gawain ng pulis ang pagpatay subalit nakakalusot pa rin umano ito sa nagagwa niyang krimen.

Ayon pa kay Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS, mabigat at sapat na ebidensya ang video na hawak ng pamilya Gregorio kaya naman napaka-imposible na umanong ma-dismiss pa ng kasong ito.

“‘Pag dinismiss niyo po itong kaso, magkakagulo ang Pilipinas. I’m telling you!” babala ni Tulfo.

“I’m giving you a warning, ang buong Pilipinas magkakagulo, kasi po dun sa dalawa na pumatay siya ng tao na-dismiss po di po ba? Tuloy tuloy pa rin ang pagsisilbi niya pati sa korte”

“I’m giving a warning sa lahat ng korte natin, witness po yung buong bayan, pag ito po ay na-dismiss, sasabihin ko pag nagkagulo, Itold you so!” dagdag pa ni Tulfo.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Tulfo sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Disyembre 21

Loading...