Raffy Tulfo nagbigay ng P100k, groceries at gamot kay John Regala

Matapos mag-viral online ang beteranong aktor na si John Regal dahil sa kaniyang nakakawaang kalagayan ay agad itong tinutungan ni Raffy Tulfo.

Dahil sa panawagan ng isang netizen tungkol sa kondisyon ni Regala ay agad itong nakarating kay Tulfo kaya naman nagbigay agad siya ng tulong rito.

Sa panayam kay Regala, sinabi niyang may sakit na siyang liver cirrhosis. Makikita naman sa kaniyang katawan na siya’y mahina at payat na. Malayong-malayo sa kaniyang dating anyo.

Screenshot from Raffy Tulfo in Action
Screenshot from Raffy Tulfo in Action

Naging emosyonal si Regala habang nagkukwento siya kay Tulfo tungkol sa kaniyang buhay.

Matapos marinig ang kwento ni Regala ay nangako siya na magbibigay siya ng P100,000, groceries items at gamot sa aktor.

Sa part 2 ng kwento ni John Regala ay tinupad na ni idol Raffy Tulfo ang kaniyang pangako sa aktor.

Umiiyak si Regala habang isinalaysay ang nangyari sa kaniya at nagdulot rin ito ng kirot sa puso ng mga netizen.

Screenshot from Raffy Tulfo in Action

Basahin ang buong salaysay ni Jogn Regala:

“Delight na lang po iniinom at kinakain ko ganun pala talaga kapag wala ka ng pera kakalimutan at pababayaan ka nila, hindi po ako makalakad ngayon manas po paa ko may sugat pa. Bumagsak ako noong akoy nagpapagupit mahina na po ang tuhod ko kaya madalas ako tumumba, kulang ako sa potassium hindi ko naman maipagamot. Maraming salamat kay Carlo, magpapasuwero ako noon kasi 13 days na po ako di kumakain yun po ang totoo, puro sugat at gasgas na po aking liver at may tubig na tiyan ko. Kapag sumakit namimilipit po ako sabi ng doctor 5 taon lang ang itinatagal ng mga katulad ng karamdaman ko. Hindi ko Alam kung anong oras ako mawawala dahil unang-una po dahil bigla na lang ako aatakihin sa puso pang 6 na taon ko na ngayon kaya malaki po ang pasasalamat ko sa tulong ng diyos na hindi ako pinababayaan. Di ako binibitawan ng Iglesia ni Cristo sila po gumagabay at nag-aalaga sakin ngayon, Maraming salamat po sa tulong wala na po ako tinuturing na kamag-anak dahil tinalikuran na nila ako wala sila noong namatay aking ina. Ang sunget po ng pagsubok pilit akong kumakapit sa ama may anak po ako sa amerika pero hindi niya po ako nakilala bilang ama, pinalaki ko mga anak ko sa mga magandang pangaral lahat noon ibinibigay ko sa mga anak ko dahil dati madami pa tayong pera ngayon wala na. Natatakot ako baka bigla na lang ako hindi magising hindi ko makita yung anak ko sa America. Balak niya din mag artista, anak ko antayin mo ako kahit anong mangyari magkikita tayo, mahal na mahal kita anak lagi mo tandaan anak mahal na mahal kita hinding hindi ako magsasawa na isipin ka para sa mga itinuring ko na mga anak sana man lang matuto kayo magpasalamat sa nagpalaki sa inyo dahil hindi ko naman kayo kaano-ano pero ang pagmamahal na ibinigay ko sa inyo ay katulad ng tunay na anak, magpakabuti kayo mga anak alam ninyo mahal ko kayo. Ser raffy saludo ako sayo maraming maraming salamat po sa tulong na ibinigay ninyo sa akin at pipilitin ko po na gamitin ito sa pagpapalakas ng aking katawan, ser raffy kung bumigay man aking katawan isa lang sasabihin ko sa inyo babaunin ko po yung utang na loob na yun sa hukay. Kaya kulang po ang salitang salamat, salamat po ulit hindi pa din po ako kumakain hanggang ngayon puro tubig lang po.”

Panoorin ang buong video:

Loading...