PWD Food Panda rider, patuloy sa pagtatrabaho sa kabila ng kondisyon at banta ng COVID-19

Viral online ang isang larawan ng isang delivery man kung saan iisa lang ang kanyang binti at naka-crutches.

Maraming netizen ang humanga sa pagsisikap ng Food Panda rider dahil sa kabila ng kondisyon nito ay patuloy pa rin ito sa pagtatrabaho.

Ang larawan ay kuha ni netizen Reindon Liao sa Cebu City. Aniya, naantig siya sa ipinakitang sipag at tiyaga ng rider at nagbigay ito ng inspirasyon sa kanya.

Photo courtesy: Reindon Liao /Facebook

Saad sa kanyang post, madalas umano siyang magreklamo sa kanyang trabaho at naging inspirasyon ang rider upang ma-appreciate niya ang kanyang trabaho.

“Sometimes, I complain about how hard my job is but seeing kuya who works from foodpanda earlier was a big slap to me. Despite of his condition he’s still able to get the job done! I salute people like you and thank you for making my day. A great motivation though. Kodus to you kuya please keep inspiring others.”

Kahanga-hanga naman ang pagsisikap ng rider dahil sa kabila ng kondisyon nito at banta ng COVID-19 ay patuloy itong nagsisikap sa buhay.

Nangangahulugan lamang na hindi hadlang ang kanyang kapansanan sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanyang trabaho.

Loading...