Pulis sa Benguet, instant babysitter habang namamalengke ang nanay ng sanggol

Viral online ang pagbabantay ng isang policewoman sa isang sanggol sa Kabayan, Benguet habang namimili ng grocery ang nanay ng sanggol.

Sa post na ibinahagi ng GMA news, makikita ang isang pulis na hawak-hawak ang isang sanggol.

Pansamantalang binantayan muna ni Police Corporal Nimfa Camis ang sanggol upang makapamili ng maayos ang nanay ng bata.

Ayon sa ulat, nagbabantay si Camis sa mga customer ng Tiongsan rolling store nang makita niya ang isang namamalengkeng nanay na bitbit ang kanyang sanggol.

Photo courtesy: Kabayan MPS/Facebook

Kinausap ni Camis ang isang babae ng mapansin na may bitbit itong sanggol dahil baw4l pa namang lumabas ang mga bata. Ipinaliwanag naman ng nanay ang kanilang kalagayan at naintindihan naman ito ng pulis.

Photo courtesy: Kabayan MPS/Facebook

Kaya naman nagboluntaryo na siyang bantayan muna ang sanggol habang namimili ang nanay ng bata.

Pinuri naman ng mga netizen ang kabaitan ni Camis at binantayan pa ang baby habang namimili ang ina.

Saad ni netizen Felix Peralta, “You are the Best officer para sa akin..mabait at May puso.. Saludo sayo Boss,Ma’am Police Corporal nimfa Camis..God Bless You Alway’s and your Family.. 🙏💖🙏👍👍”

Photo courtesy: Kabayan MPS/Facebook

Ayon naman kay netizen Lut Gardo, “In every rules there is an exemption, salute sau mam, may God bless you more.”

Dagdag pa ni Love Cast, “Ganito talaga ang public servant. I am a teacher…our services can be extended up to anything as long as we can be of help to the people… Good job po…👍❤️❤️❤️”

Loading...