Pulis na nag-viral online dahil sa paninigaw sa karinderia, dinisarmahan at humingi na ng tawad

2527

Sibak sa pwesto ang inabot ng isang pulis matapos makuhanan ng video ang paninigaw at pananakot nito sa isang costumer na kasabay nitong bumili sa karinderia sa San Juan.

Agad na inaksyonan ni PNP Chief Albayalde ang nangyaring insidente matapos itong mag-viral sa social media.

Ayon sa ulat, agad na sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen Guil­lermo Lorenzo Eleazar ang pulis nang makarating sa kanya ang reklamo.

Kita sa video si Police Sr. Master Sgt. Arnulfo Ardales habang minumura at sinisigawan ang call agent na si Aaron Estrada, 21 anyos.

Ngayong Lunes, dinisarmahan naman si Ardales dahil sa kamaliang nagawa nito.

Inamin naman ni Ardales ang kanyang maling nagawa at humingi ng tawad sa publiko dahil sa kanyang inasal.

Samantala, nag-ugat ang isyu habang bumibili siya ng ulam sa isang karinderya sa Aurora Boulevard, kanto ng R. Lagmay St. sa Brgy. Ermitaño, San Juan City, dakong alas-11:00 ng gabi nitong Sabado.

Ayon kay Ardales, nabastusan umano siya sa ginawa ni Estrada dahil nasapawan siya umano nitong bumili.

Makikita sa video nagbanta at nagmura pa ang pulis habang pinapagalitan ang binata.

Facebook Comments