Pulis na hinangaan online, viral muli matapos ibigay ang buong sukli sa ice drop vendor

Muli na namang nag-viral sa social media ang good samaritan na pulis matapos ma-ispatan ng isang netizen ang kabaitan nito.

Trending muli online si Police Corporal Jonjon Nacino matapos niyang ibigay ang kaniyang buong sukli sa vendor ng ice drop na binilhan.

Ayon sa nagbahagi ng post na si Dustin Rafael Cinco, nakasabay niya ang pulis habang bumibili ng dimsum treat. Matapos umanong bumili ng pulis ay lumapit rin ito sa isang matandang ice drop vendor.

Bumili ng dalawang pirasong ice drop ang pulis, ngunit laking gulat umano niya ng ibigay ng mabait na pulis ang kaniyang buong sukli sa vendor.

Photo courtesy: Dustin Rafael Cinco /Facebook

Kwento ni Cinco, mayroon pang 900 plus na sukli ang pulis sa kaniyang biniling siomai sa dimsum. Ngunit lahat umano ng kaniyang sukli ay ibinigay niya sa vendor.

Namangha si Cinco sa kabaitan ng pulis. Kaya naman dali dali niya itong kinuhanan ng larawan upang maibahagi ang nakaka-inspire na ginawa ng pulis.

Photo courtesy: Dustin Rafael Cinco /Facebook

Nauna ng nag-viral online si Police Corporal Jonjon Nacino noong Mayo. Ito ay matapos niyang sitahin ang isang rider sa checkpoint. Ngunit imbes umano ticketan ang rider ay binigyan niya ito ng $100 matapos marinig ang paliwanag ng rider.

Dahil sa kabaitan ng pulis ay nakatanggap pa ito ng 100,000 mula sa isang anonymous donor.

Samantala, basahin ang buong kwento ng netizen:

Shoutout kay kuyang pulis na nakasabay ko nung monday at around 1:30pm bumili sa dimsum treats sa dapitan.

Nauna ako sa kanya. While waiting sa order ko (take out only baon ko sa 2 to 10pm duty ko and some frozen dimsums na iuuwi ko sa bahay) dumating sya. Pagbaba nya sa motor sya naman ung umorder (observing social distancing) ung order nya parang 4pcs siomai lng na worth 45 pesos. Binayad nya 1k. Since mas konti ung order nya mas naunang nabigay ung order nya kahit na nauna ako sa kanya. Pagkakuha nya ng order nya lumapit sya kay tatay na naka blue na nagtitinda ng pinipig flavor ice drops.

So si tatay napatayo mula dun sa pagkakaupo nya sa tabi ng metro ng tubig. Nakaupo lng sya dun habang pinapatunog ung bell ng ice cream while nagaantay ng bbili sa kanya. Si tatay mga around 65 above na ung age. Kasi medyo mabagal na sya maglakad (napansin ko nung paglakad nya nung paalis na sya) tapos medyo mahina na ung pandinig nya. So lumapit na si kuyang pulis. Bumili sya ng 2 pirasong pinipig flavor na ice drops na sa tingin ko wala pang 50 pesos ung 2 piraso na un.

Nagulat ako sa binayad ni kuyang pulis. Ung almost 900 plus pesos na sukli nya sa dimsum treats binayad nya lahat kay tatay (kitang kita ko kasi may 500 pesos plus madaming 100 peso bills) si tatay nagulat din. Ibabalik nya sana ung sukli kaso si kuyang pulis dumiretso na sa motor nya tapos akmang aalis na. Pagkaalis ni kuyang pulis (sympre pinicturan ko muna sya bago makaalis hahaha) natuwa ako para kay tatay.

Kitang kita ko sa mukha ni tatay na ang saya saya nya. Pagkatanggap nya nung bayad ni kuyang pulis. Nagligpit na agad sya tinago ung bayad(kasi feeling ko naka boundary na sya sa daily quota nya) sabay mabagal na umalis dun sa pwesto nya.

Maagang nakauwi si tatay at nakapagpahinga may kinita sya na pang 1 buong araw kahit na iilan lng ang nabawas sa paninda nya.

Sa mga kaibigan kong pulis jan baka naman kilala nyo si sir pakisabi nlng God bless sa kanya! Ako lng sguro ung nakakita doon sa ginawa nyang un. Pero alam naman natin na may iba pang nakakita ng magandang asal nya na un. At sure ako pagpapalain pa sya ng husto!!! 😁😁😁

Loading...