Proud Lola, idinisplay ang tarpaulin ng apo sa tagpi-tagping bahay

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa isang viral photo kung saan buong pusong ipinagmalaki ng isang lola ang kanyang bagong pasadong apo sa board exam.

Sa isang tarpaulin, nakalagay ang buong pangalan ni Crystalle Mae Manalo at nakasaad na isa na siyang board passer sa kursong Mechanical Engineering.

Nag-viral sa social media ang post ni Crystalle matapos niyang ibahagi ang naging usapan nila ng kanyang lola.

Ayon sa post ni Crystalle, tila nahihiya ang kanyang lola na makita ng marami ang kanilang tagpi-tagping bahay kung kaya nagdadalawang-isip itong doon ilagay ang kanyang tarpaulin.

Photo courtesy: Crystalle Mae Manalo / Facebook

Ngunit hindi alintana ni Crystalle, bagkus ipinagmamalaki pa niya ang kanilang tahanan.

Pumukaw ito ng maraming atensyon mula sa netizen at nagsilbi itong inspirasyon sa karamihan dahil sa pagiging positibo sa buhay ni Crystelle.

Nanay: okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpulin mo? makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?

Me: Nay yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat Nay… sa lahat

Photo courtesy: Crystalle Mae Manalo / Facebook

Minsan hindi natin na-appreciate ang mga bagay na nasa atin. Ngunit para kay Crystelle ay naging malaking parte ng kanyang buhay ang kanilang tagpi-tagping bahay.

Doon nagsimulang mangarap at doon niya rin tinupad ang kanyang mga pangarap.

Ngayon ay certified Mechanical Engineer na si Crystelle. Nakapagtapos siya ng BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de Letran – Calamba bilang Academic Excellence Awardee.

Kaya naman sobrang ipinagmamalaki rin siya ng kanyang Nanay Gloria kaya’t binati rin siya nito sa social media.

Photo courtesy: Crystalle Mae Manalo / Facebook

Aniya, “Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman na iyong apo isa sa mga pumasa sa board exam. Naiisip ko iyong mga nangyari sa buhay namin dalawa na tuwing byaran sa school wala kaming pambayad, puro paki-usap na lng. Eto na ngayon puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya iyong maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko.”

Loading...