Produkto ng ALS, Top 1 sa Licensure Examinations for Teachers

Umaapaw ang kasiyahan at pasasalamat ni Kezia Keren Ambag matapos mag-top 1 sa September 2019 Licensure Examinations for Teachers.

Kaya naman abot-langit rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya, kaibigan at lahat ng taong sumorta sa kanya. At hight sa lahat, nagpapasalamat rin siya sa Poong Maykapal.

Maraming netizen ang napahanga sa galing at tagumpay na nakamtan ni Kezia.

Ngunit mas maraming na-inspire kay teacher Kezia dahil siya ay nakapagtapos ng Alternative Learning System o ALS. Ito ay isang progrma ng Kto12 curriculum kung saan mabibigyan ng pagkakataon na makabalik ng paaralan ang isang indibidwal kahit pa siya ay overage niya sa nararapat lamang niya na grade level.

Ang mas nakakamangha pa rito ay graduate siya bilang Cum Laude sa Philippine Normal Mindanao sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Kung saan siya nagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education (BEEd).

Photo courtesy: Kezia Keren Ambag/ Facebook

Si Kezia ay taga Brgy. San Agustin, lungsod sa Talacogon, Agusan del Sur. Ayon sa kanya, pinaghandaan niya ng isang taon ang board exam.

Ang kanyang pagsusumikap at tiwala sa Diyos ay naging daan upang makamit niya ang kanyang minimithi sa buhay.

Photo courtesy: Kezia Keren Ambag/ Facebook

Maituturing na inspirasyon siya sa nakararami na nais rin makapagtapos ng kanilang pag-aaral at maging isang ganap na guro rin balang araw.

Maliban sa kanya, may dalawa pa siyang kasama sa pwesto. Si Kezia ay nakakuha ng 92.60%.

Basahin ang kanyang post

Loading...