President Duterte inutusan ang mga pulis na hulihin ang hindi magsusuot ng face mask

Ngayong Martes, may bagong utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan, ito ay hilihin ang sinumang hindi magsusuot ng face mask.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, nais ng pangulo na maging strikto ang mga pulis. Kaya nais niyang hulihin ang mga lalabag sa quarantine rules upang matuto ng leksyon.

“I have no qualms in arresting people who are not wearing [face] mask. It seems to be trivial, but during a time of pandemic, it can be a serious crime. You are transmitting virus, you are a carrier,” saad ni Duterte.

“You have to ask our police to be more strict. Hulihin talaga. If you are brought to a police station and detained there, that will give you a lesson for all time,” dagdag pa niya.

Sinabihan ni Duterte na dapat magsimula ang implementasyon sa LGU sa pagpapatupad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

“I hate to arrest people for the mere violation of that rule [to wear face mask], pero kailangan ng cooperation. The mayors have to do more.”

Ayon pa sa pangulo na pipilitin niyang makabili ng maraming mask para sa mga aong walang face mask.

“Masks ito importante talaga. Ngayon, kung wala kayo I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin ‘yan sa inyo libre but wear it,” ani ni Duterte.

“Maski na gamitin mo ‘yan dalawang beses, okay man, i-sprayan mo na lang ng alcohol… Pagkatapos ng araw, hang it somewhere. I-sprayan mo ng Lysol if you can afford it. ‘Yung wala, ibabad mo ng gasolina o diesel. Pu***g i** COVID-19 na ‘yan, di uubra ‘yan diyan,” dagdag pa ng pangulo.

Loading...