Prangkang resignation letter, nag-viral at kinaaliwan online

“Prangka” at “palaban”, ito ang description ng mga netizen sa viral na resignation online.

Maraming naaliw nang mabasa ng mga netizen ang resignation letter na ibinahagi ni Aian Tiong Arroz sa Facebook.

Hindi lahat ay kayang magsulat ng ganoong resignation kung saan inilabas niya ang kanyang mga hinaing.

Ayon sa sulat, masaya umano siya sa trabaho ngunit toxic na daw ngayon.

Saad pa niya, nasstress daw siya dahil sa “language barrrier, walang bayad ‘yung overtime, masungit ‘yung utility at walang biget sa CR”.

Photo courtesy: Aian Tiong Arroz/ Facebook

Inisa-isa ni Arroz ang kanyang mga hinaing sa kompanyang pinapasukan.

Inireklamo rin siya ang mga kasamahang tsismosa. Pati ang tindera sa sa cafeteria ay hindi nakaligtas. Aniya napakasungit umano nito, hindi naman daw pantay ang kilay.

Maging ang mga pagkain sa cafeteria ay masyado rin daw mahal.

Maraming netizen ang natuwa at naka-relate sa nasabing resignation letter dahil nakapa-honest nga niya naman.

Nagbiro naman ang ilan na gagayahan nila ito sakaling sila ay aalis rin sa pinagtratrabahoan.

Umani ng positibong reaksyon ang post at umabot na sa 21,000 ang nag-share nito.

Basahin ang kanyang kabuuang resignation letter:

Dear Mr —–,

I’m writing this today to notify you that i will be resigning as ——- effective immediately. I have enjoyed my time naman here kaso, toxic na kayo. Language barrier, walang bayad yung overtime, masungit yung utility, at walang biget yung CR! Nakaka-stress! Issuemera pa yung karamihan sa mga employee! Makita ka lang may nagsundo sayo, sasabihin nila na may sugar daddy ka. Mahal pa tinda sa cafeteria! 50pesos lang budget ko sa lunch, 85pesos yung pinakamurang meal, pangit pa nung ugali ng tindera! Hindi naman pantay yung kilay niya! Bahala na kayo jan!

Pinakamagandang nilalang sa Ortigas, Mark Ryan T. Arroz

Loading...