PNP Chief Albayalde, tinanggal ang nag-viral na pulis sa San Juan

35146

Inanunsyo ni Philippine National Police General Oscar Albayalde sa kanyang Facebook post ang pagtanggal niya sa isang pulis sa San Juan kung saan nagwala ito sa isang karinderya.

Agad na nag-viral sa social media ang pulis na kinilalang si Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales.

Nangyari ang insidente nitong Sabado kung saan bumili ng ulam si Ardales at nagalit sa isa pang costumer dahil nasapawan umano siya nito.

“Para po sa inyong kaalaman ipinatanggal ko na po sa puwesto ang pulis na nag-viral sa San Juan. Sa report sa akin, kinilala siya na si PSMS Arnulfo Ardales,” saad ni Albayade.

Umalma si Ardales matapos umano unahing asikasuhin ang isang costumer kaysa sa kanya.

Sa video, sinigawan at pinagmumura ni Ardales ang lalaking costumer na si Aaron Estrada, 21 anyos.

Nakunahan pa sa video na pilit isinasama ng pulis si Estrada. Pilit ring hinihingi ng pulis ang ID binata. Samantala, umayaw naman ang huli sa sa pagsama sa pulis.

Binantaan pa ni Ardales ang binata at kalaunan ng matapos ang diskusyon ay umalis na rin ito.

Agad na inaksyonan ni Albayalde ang nasabing reklamo at ngayon nga ay tinanggal na sa pwesto ang nagwalang pulis.

Panoorin ang video ng insidente:

Facebook Comments