Pinay OFW sa Saudi na nasiraan ng bait at nagpagala-gala sa NAIA, tinulungan ni Raffy Tulfo

1520

Agad na tinulungan ni Sir Raffy Tulfo nang dumulog sa kanyang programa ang mister ng pinay OFW na nasiraan ng bait matapos itong mag-abroad sa Saudi Arabia.

Pinag-usapan online ang kumalat na video kung saan nakita ang isang pinay sa labas ng NAIA na wala na sa katinuan.

Sa tulong ng isang concerned citizen, ipinaabot niya ang balita sa mister na si Roldan Alpon, 39 anyos.

Nakuhanan naman sa video ang muling pagkikita nila at labis itong ikinatuwa ng lahat ng manonood.

Ayon kay Aldon, masakit para sa kanilang pamilya na makita ang kondisyon ng asawa.

Inireklamo niya ang agency ng misis kung saan hindi umano sila sinabihan kung kailan iuuwi na ng bansa ang kanyang asawa.

Saad niya, pinabayaan umano ng agency si “Eva” kahit na wala ito sa katinuan.

Agad namang nakipag-ugnayan si Tulfo kay Sec. Bello upang idulog rito ang problema na nagyari sa OFW at ireklamo ang agency nito.

Saad ni Bello, dapat managot ang agency kung may pagkukulang silang nagawa dahil responsibilidad umano nito ang kanilang mga empleyado.

Pahayag naman ni Tulfo sa mister, maaaring na trauma ang kanyang misis o kaya’y inabuso kaya ito nawala sa kanyang pag-iisip.

Pinatingnan naman ni Tulfo si “Eva” sa isang psychiatrist upang masuri at malaman ang dahilan pagkasira ng bait nito.

Ayon naman sa doktor na sumuri, nagkaroon trauma si Eva doon sa Saudi at ang dahilan ay ang matinding kalungkutan, nalipasan ng gutom at napagalitan umano ito ng amo habang nagdadasal.

Sa tulong naman ni Bello, pinapunta sila sa tanggapan ng OWWA upang ayusin ang problema. Pinabigyan niya rin ng financial assistance ang mag-asawa.

Nakaharap ng mag-asawa ang recruitment staff ng agency na si Hydeliza Denson, kung saan nagbigay ito ng pera sa halagang P30,000. Tulong naman para sa pagpapagamot ni Eva.

Laking pasasalamat naman ng mister sa tulong ni Tulfo dahil hindi sila pinabayaan at nakakuha pa sila ng pampagamot sa misis.

Facebook Comments